Trinity
Nag-aayos na kami ng higaan sa kwarto ko para makapagpahinga na. May guest room naman para sa mga bisita, pero mas masaya pang sama-sama kaming matutulong ngayon. Hindi naman namin palagi itong ginagawa kaya susulitin na habang may pagkakataon. Atsaka minsan lang pumayag si Dad sa balak namin
Sino pa ba ako para sayangin iyon?
"Oh, nice! Makapagpahinga na rin sa wakas!" masayang wika ni Kenny.
Talagang inunat pa niya ang dalawang braso bago naunang bumagsak sa kama. Agad rin na sumunod din si Axel sa kanya. Ngunit ang inaakala niyang hihiga ito sa tabi niya ay humiga pa lang ito sa ibabaw nito.
Parang nabingi naman ako sa ingay ng lalakeng 'to.
"Axel, ang sakit nun!" bulyaw niya at napaungol sa sakit.
Pinagtawanan lang siya ni Axel, "Masakit ba?"
"Tinatanong pa ba 'yan?!"
"Oo dahil maarte ka lang talaga."
"Shocks! Everhart! Umalis ka na diyan!"
Nakapulot-pulot na ito sa sakit dahil sa ginawa ni Axel sa kanya. Ngunit parang inaasar pa siya nito lalo at mas ibinigay lahat ng bigat kay Kenny. Kaagad rin itong napasigaw ulit sa sakit habang malakas na tinawanan namin siya pareho ni Axel.
Di nagtagal umalis na din si Axel mula sa pagkakadagan sa kanya. Samantala, lumapit na rin ako sa kama at humiga sa tabi nila.
"Grabe talaga, Axel! Ang sakit nung tyan ko sa ginawa mo!" inis na inis niyang reklamo.
Tumingin ako sa kanilang dalawa na nakahiga sa tabi ko. Ngunit sana pala hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko kung paano nag make-face si Kenny sa kanya.
"Mukha kang unggoy sa itsura mo, Kenny." asar ko.
"Nakaka-hurt ka na, Pressy ha! Birthday ko naman ngayon pero bakit parang ako yung dehado dito."
"Frost, ganun lang talaga kapag may mga kaibigan kang pinoy." dagdag pa ni Axel.
"Excuse me! Anong mga? Kalahating Hapon kaya ang isang 'to. Tapos ikaw, kalahating koreano ka kaya." Tinuro-turo pa niya kaming dalawa ni Axel.n"Sabihin mo nga, papaano ako magkakaroon ng kaibigan na pinoy?"
"But you also forget that we are half filipinos too." paalala ko sa kanya.
Muling pinagtawanan siya ni Axel, "Bobo mo talaga, Frost!"
"Anak ng maraming anak! Pinagtutulungan niyo ba 'ko?!" naiinis na wika nito.
Parehong alam namin na napipikon na ito. Pero, kahit anong tono pang gawin niya ay 'di pa rin namin kayang pigilan ang sariling tumawa ng malakas.
Ansarap pa naman pagtripan ang lalake na'to. Mahilig kasi magreact kahit simpleng biro lang iyon.
"Oh? Nagagalit ba ang baby boy namin?" pagsusuyo ni Axel sakanya.
"Mukha bang hindi?"
"Ganun ba? Hali ka nga dito kay mommy! Pakiss nga ako!"
"Sige! Game, Ax! Hahawakan ko." presinta ko.
Mabilis na napabalikwas siya ng pagkakahiga ng biglang pumatong ulit si Axel sa kanya at aakmang hahalikan ito sa labi.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksiyon| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...