Master Quinton
Nangaawit na ang isang siko ko dahil sa pagkakapatong sa lamesa. At nakahawak naman ang isang kamay sa gilid ng ulo. Di ko alam kung ilang minuto na akong ganito habang nag-uusap silang lahat sa harap ko.
Pinag-uusapan nila tungkol sa apat na estudyanteng mag-Associate na naman sa MAR bukas. Ito na ang huling laban nila sa ranggo ng Red Belter at may inaayos kami para sa magaganap na laban. Ngunit tapos na sana iyon ng bigla nilang naalalang may sandata pala silang gagamitin. We need to set some rules and obligations for our people as well as to our challengers.
"What if the challengers will pick their weapons?" Umangat ang tingin ko sa kanila ng marinig ko ang sinabi niya. Napatingin din siya sa'kin pero sumandal ako sa upuan.
"They can't. Ang mga belters lang ang pwedeng pumili dapat ng mga sandatang gagamitin nila sa pakikipaglaban. The challengers will take the challenge in any form of weapons." pagpapahiwatig ko.
Bumuntong hininga siya, "In that case, ano-ano ang mga sandatang ipapagamit at kung ano ang batas na ipapatupad natin sa kanila?"
Inabot ko ang ballpen na nasa lamesa saka pinaglaruan iyon habang nag-iisip.
Ang mga martial arts weapons ay bawal iyon gamitin kapag baguhan pa lang dahil sa mga matataas na ranggo lang ito ginagamit sa pakikipaglaban. Katulad nila Vargas at Ford.
They have their own special weapons and they used it for their ranks only. Wala pang masyadong estudyanteng nakaakyat sa pinaka itaas, pero mukha ngayon sa ramdam ko ay magkakaroon na."So, what's our plan?"
"Tingin ko kinakailangan nating maging maingat dahil may mga baguhan tayo." rinig kong sambit ni Liam ngunit hindi ko siya tinignan. "Alam kong masyado tayong mahigpit sa mga ganitong pangyayari. Subalit, isipin din nating mga bata at estudyante ang mga iyon."
If they are students....
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, Master Liam. At sangayon ako doon. Ayaw ko na ding may mababalitaang masama mula sa mga estudyante natin." Naramdaman ko pa ang pagtingin ni Ark sa'kin kaya binalingan ko siya ng tingin.
Maingat akong umayos ng pagkakaupo para harapin silang lahat, "That accident was unintentional. There's none of us to be blame."
"Ngunit hinayaan pa rin nating pahirapan siya sa laban nito nung nakaraang Match Tryout."
Hindi ko nagugustuhan ang mga salitang binibitawan niya. Gusto ko siyang abutin ngayon at balian ng buto. Ngunit lihim na ikinuom ko ang mga kamay sa ilalim ng lamesa saka mahinang tumawa.
"Those pain aren't pain enough for that person to feel." Kaagad na minaliitan nila ako ng tingin. Yung tipong parang nagtataka ang mga ito sa sinabi ko. "I had enough of this...."
"Quinton." pigil ni Liam.
"Huwag na kayong mag-alala. Ako na lang ang bahala sa mga sandatang pagpipilian pati na rin sa gagawin nating batas. Tutal ako lang naman ang nag i-eliminate sa kanila maliban kina Master Liam at Master Ark." seryosong wika ko at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...