✓Chapter 19

163 37 33
                                    

Trinity

              Ayaw na ayaw ko talaga sa sarili yung hindi ako makatulog. Ngunit wala akong nagawa kundi magising ng sobrang maaga kinabukasan. Babangon na dapat sana ako ng mas pinili kong mahiga pa rin sa kama at tinitigan ang kisame. Lumipas ang mga ilang minuto ay napagdesisyonan ko ding bumangon at upo sa paanan ng kama.

Marahas akong napahilamos ng mukha at tuluyan ng tumayo.

Hindi ito ang unang beses na nangyayari sa akin. Minsan may ganitong ugali talaga ako na maaga akong magigising pero kulang ang tulog. Ang hirap nga intindihin kunga bakit ngunit parang may hinahanap ang katawan ko.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Subalit natigilan ako ng may napansin sa mga gamit habang umiinom. Isang mura ang napakawalan ko ng maalala na may naiwan ako sa opisina nung umuwi kami kahapon pagkatapos ng laro nila sa Muntinlupa. Sandaling umakyat kasi kami nun para gawin ang mga dapat tapusin.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago pinalitan ang suot ko nang isang simplemng puting t-shirt at pants. Hindi ako pwedeng maglalakad na lang sana dahil medyo malayo ang Southville mula sa residence. Pero, siguro magjajogging na lang rin ako pagkatapos kong makuha ang naiwan ko sa opisina.

Sa unti-unting lumalapit na ako sa paaralan ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Dahan-dahan na rin ang pagtakbo ng kotse ko at agad iyon pinipark sa lote saka bumaba. Mabuti na lang at bukas na ang school kahit sa ganitong oras. Nagpaalam na lang ako sa guard na may kukunin ako sa Student Council Office at pinayagan niya naman agad ako.

Napamasid ako sa buong lugar pero tanging ingay ng mga insekto lang ang nandoon. Binaliwala ko na lang at umakyat sa opisina. Pagdating ko doon ay agad akong pumasok at kinuha ang coat ko saka lumabas.

Naglalakad na ako pababa nang madaanan ko ang opisina ni Sir Jezphire. Lalagpas na sana ako pero nakita kong medyo nakabukas ang pinto nito. Kunot noo akong napahinto at humarap doon.

Ba't nakabukas ito? Ang aga naman pumasok si Sir Jezphire.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob pero wala akong may nakikitang tao tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng buong silid. Tuluyan akong pumasok at nilibot ang buong paningin sa opisina niya. Medyo makalat rin ito dahil sa mga tools at materials ng bawat games na pinaghahanda para sa School of Survival. May mga papeles rin na nasa couch at kung saan pa. Malapit na rin pala ang inter-school pero paano namin ipagsasabay yung SOS kapag may inter-school na naman. 

This scene reminds me of home. A day when he told me about it---something I'd rather not talk about.

Lumapit ako sa desk ni Sir Jezphire at may nakita akong isng familiar na papeles. Ngunit hindi ko maalala kung saan ko nga ba nakita iyon. Hinawi ko ang mga folders na nakapatong at di nga ako nagkakamali.

"Synyster Cooperation..." mahinang pagbasa ko. 

Sabi ko na nga ba! Nakita ko ito sa office table ni Dad. Nasa file ng top secret niya. 

Bakit? Ano ba ang Synyster Cooperation? Alam kong business man ang tatay ko pero di ko alam kung ilang kompanya ba ang pinag may-ari ng pamilya namin. Kung ito ay isa sa kanyang pag-aari. Bakit may kopya si Sir Jezphire ng mga file na ito?

Wala ako sa sariling pag-iisip habang pabalik sa residence. Iniisip ko pa rin kung bakit may ganun rin si Sir Jezphire sa opisina niya. At kung bakit nasa top secret ni Dad ang Synyster Cooperation na iyon. Ano ba ang ibig sabihin nun? Ito ba ang sinasabi niyang may mga mata siyang nakatingin kahit saang parte o sulok ako pumunta? May mga iba pa ba siyang tauhan na nagtatrabaho para bantayan ako o parte si Sir Jezphire sa kompanya niya?

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon