Maureen
Seryoso akong nakaupo habang kaharap ang mga iba't ibang device na nakalatag sa lamesa. Maingat pero mabilis kong ini-encode ang bawat code ng system para makapasok sa camera nilang nakalagay sa loob ng gusali.
Bahagyang nahirapan pa ako dahil may ibang passcode na di ako masyado pamiliar. Hindi naman pwedeng bahala na lang at subukan kong mag-encode. Dahil kapag may isang pagkakamali, malalaman agad nilang may gustong pumasok sa system. Mag-automatiko maging error ang buong sistema at mag-aalarm iyon.
They have a sophisticated mechanism in place to keep them from being caught. Expect the expected. Criminals have brains as well, but they are not smart enough to keep their organization hidden from ours.
Pagbagsak akong sumandal sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib ng kailangan kong tumigil sa pag-encode.
Masyadong makaluma ang passcodes nila at hindi ako ganun kagaling sa ganitong klaseng trabaho.
Napatingin ako sa labas ng bintana para titigan ang gusaling nakatayo doon. Ngunit agad na bumagsak ang balikat ko ng marinig ang boses ng taong kakapasok lang.
"Whatsup, Ludilo." aniya.
Naramdaman ko ang pagsira ng pinto at ang paglakad niya papalapit sa'kin. Di ako nag abalang linungin siya at nanatiling nakatitig pa rin sa gusali.
Maya't maya nakita ko na siyang tumigil at tumayo sa gilid ng upuan ko.
"Pst! Huy! Wala mo ko nabati.an? Bungol na simo ba. Gusto mo ng cotton bands?" Inis na napasinghal ako ng bahagya niyang sinipa ang upuan dahilan para gumalaw yung pagod kong katawan. [Translation: Di mo ba ako naririnig? Bingi ka na pala.]
"Mak'saneng!" saway ko.
Agad siyang natigilan saka itinaas ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha nito.
"Ops! Bad move."
"Kick the chair again and I'll make sure to kick your cock."
"Huy! Walang ganyanan!" mabilis niyang depensa. "Paano na akong makakahanap ng asawa kapag binaog mo na si Junior?"
Dahan-dahan na ibinaling ko ang paningin sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Junior? Sinasabi mo bang maliit ang ari mo?"
"G*g* ka, Ludilo ha!"
"Wala akong ibang sinabi."
"Ang bastos mo!" bulyaw niya at tinakpan ang hinaharap. Kinuotan ko lang siya ng noo saka binawi ulit ang paningin sa harap ng computer.
"Nahiya pa." bulong ko.
"Ano nga pala yung ipapagawa mo sa'kin?"
Pinakita ko naman sa kanya, "I don't know how to complete this code."
"Bakit? Anong klaseng code ba 'yan? Pambihira!--- Aray!"
"Just put your butt on that chair, Mak'saneng!"
"Tsk! Ang sakit nung batok mo!"
Hindi ko pinansin ang reklamo niya at humila naman ito ng upuan para tumabi sa'kin. Agad kong binigay sa kanya ang computer para makompleto na niya ang code.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...