✓Chapter 103

37 3 0
                                    

Kenny

       Nagising ang diwa ko ng bigla siyang bumisina at tinahak ang daan papunta sa harap ng malaking pinto ng bahay nila. Kita kong pinaharurot na niya ang motor palabas ng malaking garahe nila nang makitang nakapasok na ako.

Grabe! Ibang klase talaga ang babae na 'yun. Dinaig pa kaming mga lalake sa kaastigan.

Pagpasok ko di ko mapigilan na libutin ang buong paningin. At suriin ang kabuuan ng unang palapag ng bahay nila. F*ck! Sigurado ba silang bahay nila 'to? O baka naman bahay ng mga magulang nila? Napakaimposible yung iniisip ko. Hindi maaari 'yun. Napakabata pa nila para mag-live in. Anak ng! Di ganun ang tomboy ko. G*g* talaga! Mahahalikan ko siya sa kag*g*han niya talaga nun.

Umakyat na ako sa napahabang spiral na hagdan nila patungo sa pangalawang palapag. At tulad sa sinabi ni Maureen. Lumiko ako sa kaliwa pagkadating ko sa second floor. Meron pala silang parang isang living room dito pagpasok ko sa kaliwang bahagi ng ikawalang palapag. Baka siguro sa kanila at wala pa naman kasi akong nakikita mismong sala nila sa baba. Di ko tuluyan napigilang mangha ulit. May nakikita akong isang napagkahabang hallway kaliwang-dulo ng sala nila, kaya lumakad na ako doon. Kaagad na bumungkad sa akin ang tatlong pintong nakasarado.

Pushia! Nakakain na ako ng masamang espirito! Lahat pinag-iisipan ko na kahit---Aish!

Mayamaya pa ay may nakita na akong unang pintong na makikita sa kanan kapag dadaan ako sa napakahabang hallway na ito. Pinag-isipan ko pa ng mabuti kung ito ba talaga ang ipinaliwanag ng babae na 'yun kanina sa'kin, pero mukhang ito na nga.

"Pambihira! Pati ba naman pinto. Ang laki! Ilang million kaya yung ginastos ng mga magulang niyo dito?" mahinang anas ko habang nakatayo lang doon sa labas ng pinto niya.

Ngunit hindi ko pa nakikita yung mga magulang ni Tomboy, o kahit sino sa magkakaibigan na 'yun. Please don't tell me! Mas mayaman pa sila sa pamilya ni Wexler?! Pushia! Mahihimatay talaga ako dito.

Umiling-iling na lang ako at dahan-dahan na kumatok ng dalawang beses. Hahawakan ko na sana yung door knob ng makitang... "What the f*ck?! Anong klaseng bahay 'to?"

"Blythe! Blythe! Naawa ka na ba sa'kin? Haha! Mahal mo talaga!" Bigla akong napakunot ng noo ng marinig ang boses niyang nagsasalita sa loob.

Hindi ako si Maureen, Tomboy!

Ilang segundo ang nagdaan kumatok ako uli ng hindi ko alam kung paano buksan ang pinto niya. Huwag niya akong gawing bobo dito! Anak ng! Aabutin ako ng bukas, di ko pa rin mabubuksan 'to.

Pinapakiramdaman ko ang kilos niya sa loob. At narinig ko siyang tumayo mula sa kama saka padamog na naglakad papalapit sa pinto para pagbuksan ako.

"Aish! Alam mo naman yung code ng pinto ko, ba't kumakatok ka pa rin? Dami mo talagang arteng babae ka. Papatayin na lang kaya---" Hindi niya na natuloy ang sasabihin ng magawa na niyang pagbuksan ako ng pinto. At yung napakagwapo kong mukha ang bumungad agad sa kanya.

"Hey, Tomboy. Ma--- Aah! Ang p*ta!" mura ko agad ng bigla niyang sinirado ng malakas ang pinto. Di ko inaasahan 'yun kaya nasampal ako nito! G*g* ang ilong ko!

Napadaing ako sa sakit habang hawak-hawak ang matangos kong ilong, NA SINAMPAL LANG NG PINTO! F*ck! Nang biglang bumukas ulit ang pinto at niluha siya doon na nakakunot ang noo. Huminga ako ng malalim saka siya hinarap kahit na nakahawak pa rin ang kamay sa ilong.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon