Chrizzy
Dumating na din ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ito Yung dahilan kung bakit nagpupuyat kami araw-araw at halos ikamatay na namin dahil sa pagod. Ang araw na kung saan kinatatakuhan ang pagkakatalo sa Isang pagsubok laban sa iba't ibang houses, the School of Survival Grand Opening Ceremony....
Lihim akong napahikab ng hindi ko mapigilan dahil ayaw kong mapansin nila. Sobra akong napuyat sa ginawa namin kagabi.
Ngunit bigo akong itago sa kanila iyon dahil nakita ako ni Axel. Binalingan ko siya ng ulo saka siya binigyan ng nakasimangot na mukha.
"Chrizzy, attention. Anytime dadarating na ang mga iba't ibang schools na mag-aattend sa ceremony natin." saway niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Parang hindi ka rin napuyat kagabi, Rhett ha!"
"Nope, I didn't. I got a plenty of rest."
"Sana plenty din yung rest ko." pagmamaktol ko.
"Oh, wala kaming kasalanan sa ginawa mo kagabi. Hindi kami ang nagdesisyon 'nun." pinaikutan ko siya mata saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. "Bakit saan ka ba pumunta ka gabi?"
Agad nanlaki ang mga mata ko, "N-nothing...."
'Di ko na siyang hinintay na makapagsalita at naunang naglakad para iwan sila. Ngunit naramdaman ko na rin naman na sumusunod sila sa'kin. Wala akong magagawa kundi hinayaan sila.
Pagdating namin sa harap ng school. Agad akong huminto at tumayo doon.
Dito namin sasalubungin ang mga bisitang dadarating. Sa loob ng gym kami magbubukas ng seremonya at nasa kaliwang bahagi lang namin iyon. Kung tutuusin ay halos mga sister school lang naman ng Southville ang dadalo ngunit ngayon na lang ulit sila pupunta dito kaya kailangan nandito kami para salubungin ang mga ito.
"Students, get inside already!" rinig naming sigaw ni Sir Jezphire.
Bahagya napalingon kami sa gawi niya at nakitang pinapapasok na nito ang mga ibang estudyante sa loob ng gym. Napatingin pa siya sa amin at tumago bago siya tuluyang tumalikod.
I felt strange about him today....
Inayos ko ulit ang sarili habang may pinag- uusapan silang tatlo na kung ano-ano.
Mayamaya pa ay may natatanaw na kaming bus papalapit patungong dito sa harap ng SISFU Building. At nang makalapit, hindi ko mapigilan huminga ng malalim para humugot ng lakas na loob. Samantala, nagsiayosan na din ang tatlo ko pang kasama na kanina pa nakikipagchismis sa likod ko.
Nagsibabaan na din ang mga estudyante sakay sa mga bus nila. Saka ko lang rin nakilala kung anong sister school ng Southville ang mga ito dahil sa suot nilang uniporme.
"Students, please form a line." utos nung mukhang guro nila.
Lumapit naman si Trinity sa kanila, "Welcome, South Mansfield College to Southville International School Affiliation with Foreign Unviersity! I am Trinity Flynn Wexler from SISFU."
"Hi, Mr. Wexler! I'm West, principal of South Mansfield College." nakangiting bati rin niya.
Nilahad ni Trinity ang kamay niya para sa kanya at nakipagkamayan. Maya't maya pa ay humarap din siya sa amin. Hindi pwedeng di kami lumapit baka makaramdam siya ng pagkailang.
Kaya, paglapit namin sa kinaroroonan nila Trinity. Agad namin nilahad ang mga kamay para batiin siya.
Hinarap niya ulit ang president namin, "Masaya akong makita kita ng personalan, Mr. Wexler. Kinukwento ka rin pala ni Mr. Donovan sa akin. Pero, parang interesado na kaagad ako sa'yo."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Akcja| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...