Trinity
Nakaramdam agad ako ng init sa katawan pagkatapos naming maglaro sa field. Tumutulo pa yung mga pawis ko kaya pinahiran ko ang mga iyon gamit ng sariling panyo. Di ako umupo sa damuhan kung saan silang lahat nakaupo. Nanatili akong nakatayo habang nakaharap sa kanilang lahat. Nakatayo din sa tabi ko si Mason ng bigla siya inabutan ni Shishiu ng pangpunas niya.
Sigurado akong kay Mason ang panyong inabot dahil sa disenyong 'anchor' sa kabuuan ng tela. Di ko na nagawang titigan silang dalawa ng napatingin ako kay Chrizzy ng marinig ang sinabi ni Cyrus.
"Narinig ko kaninang kumakanta si Chrizzy." parang namamangha pa ito. "....Parinig nga ulit."
Tumawa naman si Chrizzy habang nilalaro ang string ng gitara, "Too late for you..."
"What?! Ang daya! Ulitin mo!" At nagpapacute ito sa harap.
"Haha! Next time. At pagsinabi kong next time." sambit ulit ni Chrizzy saka tumingin sa dalawang babaeng nakaupo sa tapat niya. "Kayo naman ang kakanta. Ayos ba?"
"Haha! Sige, next time. At hindi na kami pupunta dito." biro ni Vee.
Agad niyang sinamaan ito ng tingin, "Wag madaya! Kumanta ako kanina kayo naman sa susunod. Be fair."
Nakapamulsang nakitawa rin ako ng makitang parang batang nagtatampo si Chrizzy sa kanila.
Di nagtagal napagdesisyon na namin umalis sa field. Nag-uusap usap na naman sila ng kung ano ang gagawin nila ngayong hapon. Hanggang sa narinig kong pupunta sila sa unit ni Kenny para doon kumain. Niyaya pa ng mga ito sina Vee na sumama.
Nakalagpas na kami sa campus ng SISC ng biglang sumulpot mula sa malayo si Sir Jezphire na tinatawag ako. Saglit akong nagpaalam sa kanilang puntahan siya at mauna nang pumunta sa unit ni Kenny. Nagsitanguan naman sila saka ako iniwanan.
Mabilis na lumapit ako sa kinaroonan niya at sinalubong agad ako ng isang folder. Takang-taka ko naman tinanggap iyon saka binuksan ang laman.
"What's this?" pagtataka ko habang binabasa ang nakasulat sa folder.
"It's from your dad. He wants you to sign that contract."
Agad akong napatingin sa kanya pero seryoso lang yung mukha niya.
"Contract for what? Sinabi lang dito, that I need to approve this statement. No more, no less." Maiging sinuri ko ang bawat dokumentong nandoon. Subalit kahit ilang buklat na ang nagawa ko ay ganun pa rin ito mula sa unang pahina.
"Mr. Wexler didn't say anything about it. He just order me to give it to you, so you can sign that contract." paliwanag niya pero nanatiling nasa papel pa rin ang tingin ko at initindi ang nakasulat sa papeles pero wala talaga.
Seryosong inabot ko ulit sa kanya ang folder. Tinignan naman niya ako ng punong-puno na pagtataka pero dahan-dahan naman niyang tinanggap iyon.
"I won't sign it. In that contract there was nothing he wanted to convey to me." malamig na anas ko at nilagay ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon.
"But he said---" Napasmirk ako para ipaalam na wala akong pakialam kung magagalit siya.
"Don't dare me, Jezphire..."
"F-fine." nauutal niyang wika bago tumalikod para umalis.
He's a business man and he doesn't know how to arrange a contract. That's stupid and suspicious.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...