✓Chapter 93

37 4 0
                                    

Maureen

     Nagpakawala muna ako ng isang mahinang pagbuntong hininga at sinubukan na kumalma sa nangyayari. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng Hospital. Nasa tapat pa lang ako ng entrance. Agad kong nakita ang ama niyang kinakausap ang doktor na kanina pa naming hinihintay na makalabas pero ngayon lang nagpakita.

Ngunit napatingin ako kay Mason ng bigla niya akong tinawag at nakitang sinalubong niya. Agad akong huminto sa mismong harap niya at tinignan ulit ang ama niyang papasok na sa loob ng emergency room.

I'm damn curious on what they were talking about...

"Ano ang nangyari sa pisngi mo?" Gulat na napatingin ako sa kanya ng bigla niyang binanggit ang bagay na 'yun. Hinaplos ko ang sariling pisngi ng makaramdam ng hapdi.

"Wala 'to. I scratch it." I covered it with my lies again.

"Kailan ka pa nagkakamot ng sariling mukha?"

He's right. I never do that. That's not my attitude.

"Ngayon lang..." pilosopo kong sagot para takpan ang katotoohanang sinampal ako ng dalawang beses ni Chrizzy sa labas kanina, dahil sa nagliliyab niyang galit sa'kin na hinayaan ko naman. "... kita mo naman diba?"

Di ko napinatagal ang pinag-usapan namin. Agad ko siyang nilagpasan at lumapit sa kinaroroonan nina Vee. Bahagya pang nakatagilid siya sa'kin habang nag-uusap silang dalawa ni Chrizzy. Kaya bago pa siya lumingon at makita ang namumula kong pisngi. Mabilis kong hinugot ang black mask na dala saka sinuot iyon.

I have no choice. I'm not supposed to wear anything like this because they might know or recognize me as an 'Assassin'. My eyes can speak and it reflects my true identity, but on this case. Vee is not good at madness. She's going to kill you if she knows everything about this--- I'm worried especially their friendship.

Mayamaya sabay-sabay kaming napalingon sa mga bagong dating. At nkitang nagmamadaling silang dalawang lumapit sa'min habang punong-puno ng pag-alala ang mga mukha.

"Finally, dumating din ang mga kupang." seryosong wika ni Chrizzy habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Kailangan talaga sumigaw, Bakla?" mataray na saway ni Vee habang nakatitig sa kanilang dalawa na naglalakad. "Sakit ka sa---"

Agad akong umatras sa kanila ng nabigla ako sa ginawa ni Kenny sa kanya.

Pagkalapit kasi ni Kenny sa kanya, ang inaakala namin ay hihinto lang ito sa mismong tapat namin. Ngunit nagpatuloy lang ito sa pag abante at sinalubong ng isang mahigpit na yakap si Vee. Mukhang nagulat ang codemate ko sa kanya at hindi agad siyang nakapag react. Kung kaya nanigas lang ito sa kinatatayuan habang kinukulong pa rin ito sa bisig ni Kenny.

"Ano ang nangyari, Tomboy? Bakit ka nandito sa hospital?! Pinag-alala mo 'ko! Natauhan ka na ba?" Biglang kumunot ang noo ko sa narinig at ganun din silang lahat, pero wala pa ring reaksyon si Vee. Sarap sipain ng mukha niya. Pasalamat siya wala na si Quinton dahil siguradong mababalian ng buto si Kenny sa galit nito. "Nagising ka na ba sa katotoohanan na mahal mo naman talaga ako at ako lang ang may karapatan sa'yo?"

S-sh!t!?

Hindi pa umabot ng isang segundo, agad na siyang napapulotpot at napaluhod sa harap ni Vee ng bigla siyang sinuntok nito sa sikmura.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon