Chapter 1

2K 27 13
                                    

Fifteen years had passed mula nung nagkaroon ng kanya kanyang pamilya ang mga players ng basketball team ng ibat ibang schools sa Kanagawa. Naging busy sa kanikanilang pamiya at mga career nila. Naging madalang ang communication at halos hindi na sila nagkikita. 

Sina Mitsui at Haruko ay namuhay ng tahimik sa Canada. Nagsimula ng hawakan ni Mitsui ang corporation ng kanilang pamilya, samantalang si Haruko naman ay laging nasa tabi nya para asikasuhin at suportahan ito. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki.

Si Ryota naman ay nanatili sa Shohoku High School dahil sa na anh bagong coach ng basketball team dito. At the same time isa sya sa sports analist ng Basketball association sa Kanagawa. Si Ayako naman ay madalas magtravel sa ibat ibang bansa dahil isa na syang sikat na model. Si Ryco ang nag iisa nilang anak.

Si Rukawa naman ay nagsimula na ding mamahala sa kumpanya ng kanilang pamilya. Ngunit dahil ang gusto lang nyang gawin ay makasama ang kanyang may bahay na si Ai, kinuha nya si Mito para maging CEO ng kanyang kumpanya. Si Ai naman ay isang mabuting may bahay kay Fukawa at mabuting ina sa nag iisa nilang anak.

Si Mito ay kasalukuyang CEO ng Rukawa's corporation. Sya ang namamahala at nagpapatakbo nito. Si Amai ay isang sikat na sport news writter. Nabiyayaang din sila ng isang anak.

Si Hanamichi at Kumi naman ay nabiyayaan ng isang anak. Si Kumi ay isang matagumpay ng surgeon at may ari ng isang pribadong ospital sa Kanagawa. Samantalang si Hanamichi at naglalaro sa Japan Basketball Association at isang sikat na sports analist sa Japan.

SHOHOKU HIGH SCHOOL

One week ng start ang new school year sa Shohoku High School. Naririnig nanaman sa gym ng Shohoku ang sigaw ng coach ng basketball team na si Ryota Miyagi, ang dating point guard at naging team captain ng Shohoku basketball team. Sinesermonan nanaman nya ang nag iisa nyang anak nya na si Ryco Miyagi.

"RYCO! Sino nanamang babae ang kasama mo sa rooftop? Araw araw iba ibang babae ang kasama mo. Third year ka na at ikaw na ang team captain ng basketball ngayon. Dapat role model ka sa mga teammates mo. Hindi ikaw ang nangungunang sira ulo. Napapahiya ako sa inaasal mo! Araw araw na lang ikaw ang problema ko!" Sigaw ni Miyagi

"Dad kasi nag anak ka ng gwapo. Alangan namang sayangin ko to? Madaming babae ang gusto ma-experience ang pagiging hot ko.  At kung sa basketball naman, ako ang number 1 point guard dito sa Kanagawa kahit nung 2nd year pa lang ako, edi lalo na ngayong 3rd year na ako. saka number 1 ang team naten dito sa Kanagawa, what do you want pa?" sagot ni Ryco

RYCO MIYAGI anak sya nina Ryota Miyagi ang dating point guard at team captain ng Shohoku at ni Ayako Miyagi dating manager ng Shohoku basketball team. Third year sya sa Shohoku High at team captain ng basketball team. Nakuha nya ang talent at bilis ng kanyang ama pagdating sa paglalaro ng basketball. Tall, dark and handsome, nakuha nya ang lakas ng dating ni Ryota at magandang mikha ni Ayako. Dahilan para maging habulin sya ng mga babae hindi lang sa Shohuko kundi sa buong Kanagawa. May taglay na kayabangan at pagiging babaero dahil sa pagiging famous nya.

"Hay nakuh, hindi ko alam kung kanino mo namana yang kayabangan mo. Baka dun sa Ninong Hanamichi mo. Nung kabataan ko hindi ako ganyang katulad mo. Maginoo ako at loyal ako sa mama mo, hindi tulad mo na lahat ng babaeng makita mo gusto mong tikman." Inis na sabi ni Miyagi

"Si Ninong Hanamichi nanaman, gusto ko na talaga syang makilala. Siguro ang cool at ang astig nya kung sa kanya ako nagmana. Idol na idol ko na sya hindi ko pa sya nakikilala. " sabi ni Ryco

"Excuse me, F. Y. I. hindi ka cool at astig." Bulong ni Kezzia

"At ikaw babaeng sumbungera? Palibhasa hindi kita napapansin kaya palagi mo akong sinusundan. At isinusumbong kay Dad, sip sip. Palibhasa pinagnanasahan mo ako pero hindi kita pinapansin." Sabi ni Ryco kay Kezzia

"Excuse me, as the team manager it's my duty na masigurado na nandito ang mga players on time, para sa practice. And I don't care kung hindi mo ako pinapansin. It's not my lose. Siguro kung si coach pa ang hindi papansin saken mag iiiyak na ako dito. Tingin ko nga hindi ka talaga anak ni coach, ang layo ng personalities nyo. Si Coach nakaka  inlove, ikaw nakakasuka!" Sabi Kezzia

KEZZIA SENDOH nag iisang anak nina Akira Sendoh at Izza Sendoh. 2nd year sa Shohoku High at manager ng Shohoku basketball team. Namana nya ang ganda ni Izza at ang tangkad ni Akira. Pinili nyang mag aral sa Shohoku dahil crush na crush nya ang coach ng basketball team na si Ryota Miyagi dahil sa galing nitong maglaro at sa pagiging maginoo nito.

"Hay nakuh Kezzia, ayan ka nanaman. Para ka lang ang anak ko. Para ka ring may sayad dyan." Sabi ni Ryota na nakahawak na sa kanyang sintido

"May sayad sayo coach." Kinikilig na sagot ni Kezzia

"Ako na lang kasi ang maging crush mo. Point guard din naman ako at magkasing galing kami ni Dad sa paglalaro. Then look a like naman kami ni Dad. Mas matangkad lang ako sa kanya pero di hamak namang mas hot ako kay Dad."" Sabi ni Ryco sabay wink kay Kezzia

"In your dreams. Hindi babaero si coach unlike you. And super lakas ng dating nya, kinikilig talaga ako. " Sabi ni Kezzia habang namumula mukha nito

"Pero may asawa na si Dad, si Mama. Kaya hanggang crush ka na lang talaga. Ahahhaha Kaya ako na lang ang gustuhin mo, single naman ako at bagay tayo.." Nang aasar sabi ni Ryco

"Alam kong hanggang crush lang ako. Pero kahit ganon hinding hindi ako magkakagusto sayo!" mataray na sagot ni Kezzia

"Tama na yang pagbabangayan nyo, ngayon makikilala naten ang mga 1st year na sasali sa basketball team. Sana may mga pakinabang ang mga bagong madadagdag. Para na rin magseryoso ka sa paglalaro mo Ryco, pag may mga dumating na mas magaling sayo, lagi kitang ibabangko ng mabawasan yang kayabangan mo." Sabi ni Miyagi

"Hay nakuh Dad, sarili mong anak ibabangko mo, mas magaling pa nga ako sayo. Baka mga pasaway lang ang mga yan, baka pahirapan lang nila si Kezzia ko." Sabi ni Ryco

"Excuse me, Kezzia ko? Tama ba ang rinig ko? Hindi mo ako pag aari. At FYI sa lahat ng players dito sayo ako nahihirapan, dahil ikaw ang pinakapasaway. Gung gong." Sabi ni Kezzia

"Ikaw naman Kezzia pakipot ka pa, gusto mo si Dad pero ako na anak nya at kalook alike nya isinusuka mo." Inis na sabi ni Ryco

"Sumasakit na ang ulo ko sa inyong dalawa, para kayong sina Hanamichi at Rukawa nung kapanahunan ko. Puro kayo bangayan. Kailan ba kayo magkakasundo para matahimik dito sa gym. Hay nakuh, sana nandito si Ayako." Sabi ni Miyagi na napakamot sa kanyang ulo

"Coach nagseselos ako. Lagi ka na lang Ayako." pagpapacute na sabi ni Kezzia

"Hay nakuh grabe na talaga ito, madali akong tatanda sa takbo ng isip ng mga kabataan ngayon." Sabi ni Miyagi na nakahawak sa kanyang ulo

"Coach nandito na po ang mga first year na gusto mo join sa basketball team." Sabi ni Ken center ng team

"Okey papasukin mo na sila Ken. Kezzia paki sulat ng mga info ng mga first year as they introduce their self. At kilatisin mo na din sila kung kapakipakinabang sila." Utos ni Miyagi

"Yes Coach, at your service." Nakangiting sagot ni Kezzia

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon