Chapter 11 - (2) - Taken & Captured

40 1 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                            

Episode 2: Taken & Captured

Nagoorder na si Kavin sa Cafeteria nang makita niya niya si Gorya. Ayaw niya naman mahalata na alam na niya ang problema nito kaya ngumiti nalang ito at nag hi sa kanya.

Gorya: Hello Kavin, O kamusta kumain ka na ba?

Kavin: Ahh hello, Ito bumibili palang ng pagkain namin madami kasi project ngayon kaya ako na din nag volunteer na bumili ng pagkain namin nila Thyme.

Gorya: Ahh ganun ba o sige. Naka order na ako, Hinihintay ko si Ren din kasi sabay na kami kakain.

Kavin: Ahh malapit na matapos klase non hintayin mo nalang, maiba lang kayo na ba? kasi super effort niya sayo at ang sweet niya ha.

Gorya: (*namula ito.*) Ahh ehh h-hindi pa nga eh p-pero siguro kailangan ko lang talaga explain sa mga magulang ko... kasi bawal pa talaga.... kaso mataas naman grades ko at scholar pa din ako kaya siguro baka pag bigyan ako.

Kavin: Papayag yan makikita naman nila na gaano ka porsigido si Ren sayo. at saka... kamusta pala sila tito at tita?

Gorya: Okay naman ganun pa din naman, At sana nga ehh strict pa naman sila sana macombinsi ko sila na ready naman ako at hindi naman distraction si Ren.

Kavin: Oo tama yan pag laban mo siya! (*Natuwa naman ito.*)

Ilang saglit lang binigay na order ni Kavin at sakto din kakarating lang ni Ren.

Kavin: (*Kinuha ang pagkain nila.*) O paano ba yan mauuna na ako ha Ikaw Ren umayos ka nako.

Ren: Ha? bakit ano ginawa ko?

Gorya: (*Natawa nalang ito.*)

Kavin: WALA byeeee

Dali dali umalis si Kavin sa cafeteria at pabalik na siya sa club room, iniwan nagtataka si Ren napaisip ito kung ano nanaman pinag usapan nila ni Gorya.

Ren: Ano pinagusapan ninyo?

Gorya: Wala naman hindi naman masiyado importante nangamusta lang naman siya.

Ren: (*Nagduda ito.*) Talaga ba? hmmm..... Pero bakit sabi umayos ako maayos naman ako ha Cookie  (*sumimangot ito kunyari.*)

Gorya: Drama mo talaga ha? hahaha (*Kinuha ni Gorya pagkain nila at sabay na sila pumunta sa lamesa nila.*) Kain mo nalang yan wala nga yun ito naman nang aasar lang yun.

Ren: Salamat, oo na sige na.

Kumain sila nang biglang nag text si Chaow sa kanya. Tiningnan ni Gorya kung sino at na excite ito pero dapat niya itago pansamantalaga kay Ren.

=Chaow=
Nakaset na ang interview mo buti nalang naghahanap pa sila Gorya.
Bukas after school punta ka nalang sa address na ito.
(Binigay ang address ng Interview.) Galingan mo ha !

Natuwa si Gorya at sa wakas nakahanap agad siya ng solusyon. Makakatulong na din siya sa pamilya niya. Pero napansin ni Ren na natutuwa si Gorya at hindi niya naiwasan na tanongin ito.

Ren: Cookie sino nag text mukang tuwang tuwa ka ha?

Gorya: Ikaw talaga seloso ka naman si Claire lang yun sinabi ko kasi na may nickname na ako sayo kanina ayun ngayon lang reply. (*Palusot nito.*)

Ren: May nickname nga ako sayo... d mo naman ginagamit... hay...(*Nagtampo ulet*)

Gorya: OA ha? Oo na sige na Muffin ikaw talaga masiyado tampohin (*Pinisil ang pisngi.*)

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon