Chapter 12 - (1) - Preparation for Thyme's Birthday

40 0 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                         

Chapter 12: 

Episode 1: Preparation for Thyme's Birthday

Nakalipas na ng isang linggo ng mahospital si Thyme. Nakauwi na ito at magaling na wala nang mga sugat at pasa ganun din si Kavin balik normal na sa lahat. Nakakapasok na din sila ulet sa university. Madami din nag bigay ng regalo at mga sulat kay Thyme at kay Kavin sa nabalitaang nag yari sa kanila.

Natuwa naman sila dito at nagpasalamat sila sa mga tao nag bigay ng mga regalo at sulat sa kanila.  Halos wala din naman nag bago nang pagbalik nila sa university ganun pa din lahat tinatago pa din nila Ren at Gorya ang relasyon nila kasi ayaw ni Gorya magkaissue at syempre kung ano ano pang ibang balita ang kumalat at sana pag graduate nalang nila ito malaman ng iba.

Ang relasyon naman nila Thyme at Kavin ay medyo alam na ng iba kaso hindi nalang nila binibigyan ng pansin dahil natatakot sila kay Thyme kaya hindi nalang pinag uusapan ito at nirerespeto nalang nila.

Sa kasalukuyan na araw pinapahinga ni Kavin si Thyme sa bahay niya at kasama ni Kavin ngayon ang tropa niya. Nagplplano sila para sa parating na Birthday ni Thyme.

Kavin: Guys, Sorry nag pa rush ako ng meeting ha pero kasi ilang araw nalang birthday na ni Thyme at dapat perfect lahat..... lalo na babalik na siya....

Gorya: Siya? Sinong siya?

MJ: Pinaka na kakatakot na nilalang na nakilala namin mas nakakatakot pa kay Mint kung magalit o mag tampo lalo na pag hindi nasunod nag mga gusto niya.

Ren: Oo babalik na siya... hay sana umalis na agad siya... at wala mapansin.. delekado na..

Kavin: Kaya nga... Kaso paano yan hay nako nalala mo ba noong bata tayo kahit anong gusto namin gawin ayaw niya at noong sinuway natin siya pinahuli pa talaga tayo eh parang nag punta lang naman sa sleep over sa bahay nila MJ hay....

Chester: Grabe naman yun. sino ba yan 😣 parang nakakatakot.

Gorya: Kaha nga... sino ba yan.

Ren: Ang nanay ni Thyme... si Madam Lucille Siriwat.

Kavin: Isa pa kinakabahan ako alam ko din na madaming tao yun si Madam eh naka nalaman na niya relasyon namin ng anak niya.... paano nalang pag nalaman niya... tatanggapin niya kaya sa mga nag yari pa kay Thyme kahit napigilan ng ate niya gagawa at gagawa pa din ng paraan yang mama ni Thyme...

Ren: Kalma ka lang siguro naman hindi edi kung malaman ipaglalaban ka naman ni Thyme, Kavin saka bestfriend mo din naman siya matagal na siguro naman maiintindihan niya.

MJ: Oo nga bro saka sa panahon ngayon malay mo naman?

Kavin: Hay sana nga pero natatakot lang talaga ako sa pwede mag yari... lalakasan ko nalang loob ko dapat mapaglaban namin relasyon namin ni Thyme.

Gorya: Tama yan! 🥰

Chester: Oo naman kayo dalawa lang talaga bagay ni Sir Thyme.

Claire: Oo nga nako mahirap na pag makita na may iba kayong kasama...

MJ: Wag ka mag alala Sugar hindi mag yayari yun saka nandito naman kami kayang kaya namin yan si madam.

Ren: Hay nako anong kaya ? isang tingin palang sayo noon dati umiiyak ka na at magtatago salikod namin.

Kavin: O tama na yan basta bahala na... Ang importante ready lahat para sa party niya. Tatawagan ko na din lahat para ma organize na simple lang naman gusto ni Thyme tapos na rin ung Cake niya at handa decorations. So bali pag handaan nalang talaga natin is pag dating ni Madam.

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon