Chapter 15 - (2) - Jealous

34 1 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                           

Episode 2:  Jealous

Nang nagising si Kavin at pagkatingin sa oras kakatapos lang ng Lunch at pumasok na sila sa second period ng klase at tinamad na ito pumasok. Napatingin siya sa gilid at may naka pack na pagkain at bote ng iced tea rito sa kanyang tabi.

Kavin: Wow meron nakaalala saakin kaso sino naman kaya...

Napansin din niya na may sulat din nanakalagay sa taas ng pagkain. Binasa ni Kavin.

-
Hindi na kita inistorbo sa pagtulog mo ang cute mo eh himbing himbing. Kinuha mo pa talaga ang pwesto ko pero okay lang. Wag ka mag alala hindi nila alam nanandito ka at dinalahan na kita ng pagkain ayaw kong magutom ka.

Alam ko hindi mo ako boyfriend pero alam ko namimiss mo na din mga lambing no Thyme at pagaalaga kaya kahit temporary ako muna mag paparamdam sayo nito.

Saka alam na ni Gorya ito wag ka mag alala sige na as your temporary boyfriend kumain ka na ayaw kong nagugutom ka 'babe ko' 😁

- Your Temporary Babe,
Ren
-

Kavin: Pasaway ka talaga Ren pero salamat... (*Natuwa ito at kinilig ng unti.*) Temporary Boyfriend hahaha baliw pero sige tingnan natin 🤭

Binuksan niya ang pagkain at ito ang paborito ni Kavin na pagkain sobrang natuwa naman ito at nagsimula na agad kumain.

Kavin: Bakit ganito bwisit talaga Ren tigilan mo mga paganito mo baka masanay ako sige ka magaaway nanaman kayo ni Thyme. 🤭

Nagpatuloy na ito kumain at ininom ang iced tea. Nang maubos na ito natuwa dahil sa napakasarap na Lunch.

Nagligpit si Kavin at naisipan din niya tumambay at mag relax sa Coffee Shop at gumawa ng ibang homework na hindi niya nagawa kaya dali dali ito pumunta sa clubroom para kunin ang gamit niya at naisipan din niya text si Ren para kitahin siya doon pagtapos ng klase nila.

- To Ren

= Kavin =

Babe Nasa Coffee Shop ako nakatambay hindi na ako pumasok sa last class natin kasi tinamad na ako punta ka nalang Love you 😘

-

Kavin: Ewan ko nalang kung hindi ka mag selos diyan kaso kulang pa yan mag handa ka. 🙄(*Uminom ng coffee habang ginagawa ang assignments niya.*)

Sa classroom naman nila Ren nagcheck ito ng phone.

Ren: Cute naman nito mag text. (*Medyo kinilig si Ren sa text ni Kavin.*)

- To Kavin

= Ren =

Okay babe ko see you after class save me a seat, Hope you liked the Lunch  babe 😊 cute cute mo matulog kulang nalang halikan kita para magising ka. Pero ayaw ko maistorbo ang Sleeping Prince ko. Love you more babe ! 😘😘😘
-

Pagkasend ni Ren na curious naman si Thyme kasi tuwang tuwa ito si Ren.

Thyme: Hoy ano yan? sino ka text mo ha? si Kavin ba yan patingin nga!

Ren: Hindi noh makinig ka nga sa professor.

Thyme: Umayos ka ha pag ako nalaman ko nagtetext kayo ni Kavin nako.

Sa Coffee Shop tumunog phone mo Kavin at binasa niya yung text ni Ren.

Kavin: Baliw talaga ito daming alam pero bat ako kinikilig 🙈.

-To Ren

= Kavin =

Ikaw talaga babe syempre nagustohan ko siya sweet mo nga eh nalala mo pa ako ikaw talaga... Nagabala ka pa pero thank you so much babe. 😘 Ikaw ha binobola mo pa ako hmp halikan kita diyan eh pag hindi ka tumigil. 😘 Love you more more more babe! makinig ka nga diyan sa klase ikaw  talaga prprivate tutor mo pa ako 😉 alam mo na yun babe.... 😏😏😏 😋
-

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon