F4 -
BACK TO YOU SERIES
Episode 2: Deep Feelings
Mga Ganap sa Clubroom Habang wala si Calvin at Chester:
Nakaupo si Chaow sa gitna at ng Living room area ng clubroom at lahat ng barkada.
Chaow: Uhm medyo nakakaba naman ito... Parang Interview.
Thyme: Gusto mo kami makausap diba ? So bakit ka nagbalik dito?
Gorya: May Plano ka nanaman ba?
Ren: Ano nagyari sa kuya mo?
MJ: Nagbago ka na ba? O baka pakita lang ito?
Kavin: Huy! Grabe kayo isa isa lang grabe kayo tinatakot ninyo naman yung tao.
Chaow: Uhm okay lang Hydrangea... Black Rose, Oo gusto ko kayo makausap at nagbalik ako dito kasi gusto ko matapos ang pag aaral ko nahati ang sentence ko at pinayagan ako mag aral at mag community service nalang dito sa university.
Thyme: Okay. Edi mabuti naman kung ganun pagbutihan mo. 🙄
Chaow: Gorya, Wala akong plano sa inyo matagal na ako nakamove on doon, At nagbago na ako MJ hindi ito pakita noong napakulong kami ni Kuya madaming nagbago at narealize nga namin na mali kami at nalulong kami sa galit kay BlackRose noon. At hindi ako nag papakitang tao totoo na talaga ito.
Gorya: Mabuti naman... Atleast...okay hindi na ako magaalala pag nandiyan ka.
MJ: Pasensya ka na... Ayaw ko lang kasi mag kagulo ulet at magkaissue tayo lalo na ayaw kong may masaktan sa mga kaibigan ko.
Chaow: Naiintindihan ko naman yun... Tapos na yun at natauhan na ako at Ren Si kuya Charles naman din malaya na at nagtrtrabaho ngayon kasama ang partner na nakilala niya noong nakulong kami at nagbago na din sila at masaya na din.
Ren: Ahh ehh mabuti naman kung ganun... Atleast Tapos na at mapayapa na lahat. Okay sige pag bibigyan ka namin ulet.
Thyme: Sige... Ako rin mukang nagbago ka nanaman talaga wag mo lang talaga gawin ulet yun sa boyfriend ko kung hindi nako hindi ko papalagpasin.
Chaow: (*Natawa ito.*) Hindi na talaga promise. Gusto ko lang makipagbati at magkaayos....
Gorya: Edi mabuti naman. kung ganun. Sige na... Pagbibigyan na din kita.
MJ: Ako rin basta wag mo lang kakalabanin ulet kami.
Nagtuwaan lahat at kumalma na si Chaow na tapos na ang pag interrogate sa kanya ngunit nag salita bigla si Kavin.
Kavin: Ako hindi pa papayag. May pagdududa pa din ako sayo Chaow. hmm Pwede ba kita makausap magisa.
Thyme: Hindi ako papayag babe Baka kung ano nanaman gawin sayo niyan. (*Niyakap niya agad si Kavin.*) Hindi ba pwede malaman din namin kung ano tatanong mo ?
Kavin: Baliw talaga ito babe magtiwala ka saakin at hindi ako pwede gusto ko kami lang ang makakaalam sa ngayon.
Thyme: Pero babe... 🥺😟
May binulong si Kavin kay Thyme at napatingin nalang kay Kavin at inalis ang yakap at umoo na ito.
Chaow: Wag ka mag alala Black Rose mabait na ako at wala na akong gagawin kay Hydrangea.
Kavin: Tara na doon tayo sa labas Chaow sundan mo ako.
Thyme: Oo na sige na dalian ninyo bago pa mag bago isip ko. (*Nagdadalawang isip ito pero pinagkakatiwala niya ang boyfriend niya.*)
BINABASA MO ANG
F4 - Back To You
FanfictionThe famous drama that first sparked everyone to love who you love. Now that this famous drama will have a Thailand Reboot Version with our famous BrightWin but are only best of friends. Yet... what happens if it became a BL story version of the fam...