Chapter 14 - (3) - The Only Exception

27 1 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                          

Episode 3: The Only Exception

Habang nag lalakad si Thyme papunta sa Mansion nakita niya si Ren na pumasok sa bahay nila. Napaisip ito na parang merong importante magaganap sa loob. Pero alam niyang madaming mata nakabantay sa bawat galaw niya kaha hindi niya nalang tinuloy ito at wala din siya sa mood magisip pa ng ibang dahilan gusto niya lang mapag isa sa sobrang halo halong dinadamdam na emotion nito.

Nakita niya Kotse ni Ren at sumakay siya dito at hinihintay nang matapos ang kaibigan niya sa kung ano mang dahilan ang nagyayari sa loob.

Samantalang sa mall naghihintay si Cecille kay Thyme ngunit hindi naman ito sumipot pero biglang dumating si Chester at si MJ.

Cecille: Hala bat kayo ang pumunta?  Nasaan ba si Thyme hay nako...

MJ: Nako ikaw talaga choosy ka pa buti nga pinuntahan ka pa namin eh tara na simulaan na natin itong date.

Chester: Oo nga dalawang pogi ang kasama mo saan ka a.

Cecille: Hay nako fineee.... sayang naman din punta ko dito sa mall.

MJ: Bakit may feeling ako na may hindi magandang magyayari saatin...

Chester: Grabe ka naman hindi yan muka namang mabait yan si Cecille...

At agad agad nag simula mag date sila Cecille, MJ, at Chester. At Hindi nagpasindak si Cecille at pinahirapan at pinagod niya ang dalawa mag shopping at ang daming biniling bagay bagay nanood pa sila ng sine na Hindi naman trip ng dalawa tapos patuloy sila sa Arcade para mag laro ng games para kay Cecille. Pinilit ni Cecille na kuha siya lahat ng mga bibigatinf prizes. Pagod na pagod na ang dalawa pero tuloy pa din ang pahirap ni Cecille.

Cecille: Ayan gusto ko din yun! At ayun panalunin mo naman ano ba yan hina hina mo naman !

MJ: Oo na oo na ginagawa ko naman ang makakaya ko maghintay ka lang diyan.

Cecille: O ikaw diyan nakuha mo na ba?

Chester: Ahh ehh medyo wag ka mag alala malapit na.

Tuloy tuloy pa din pag lalaro nila hangang makuha nila ang prizes na gusto ni Cecille. Kahit na pagod na pagod na ang dalawa patuloy pa din sila ginagawang alalay ni Cecille.

Samantalang Si Kavin naman nang matapos ang pang yayari kay Thyme naisipan nitong puntahan sila Gorya at Claire sa Milktea shop. Pumasok ito at tila malungkot at hindi maipinta ang muka at basa dahil sa ulan.

Kavin: Hi Claire. Hi Gorya. Kamusta...

Claire: O Kavin Nako basa ka sa Ulan teka kukuha ako ng twalya.

Gorya: Hoy Kavin ano nagyari sayo..?

Kavin: Wala okay lang ako naulanan lang (*Malungkot nitong sinabi.*)

Gorya: Hay nako ako na bahala sayo bibigyan kita ng Mainit na Tea alam ko Tea expert ka at simple na milktea shop lang ito pero gagawaan kita ng masarap na tea.

Kavin: Sige nga salamat ha...

Gorya: Wag ka nang malungkot pag ready ka na sabihin saamin sabihin mo lang.

Bumalik si Claire at binigyan niya mh Twalya si Kavin.

Claire: Ayan baka magkasakit ka niyan dali na at mag punas ka na.

Kavin: (*Nagpunas naman si Kavin.*) Salamat  din sayo Claire.

Ilang minuto binigyan ng special green tea si Kavin.

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon