Final Chapter - (1) - Letting Him Go

34 1 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                           

This Episode contains Sensitive/Mature Content.

(Warning: SPG 18+ Para sa mga open minded lang po kung hindi wag na tuluyan basahin at Pag minor wag na tuloy basahin ang 18+ content naka mark naman siya pag nandoon na ito please lang read at your own risk.)

Final Chapter:

Episode 1:  Letting Him Go

Kakatapos lang kumain ni Thyme at Kavin. Sabay sila nagligpit ng pinagkainan at pinauna na ni Kavin si Thyme.

Kavin: Sige na Babe mauna ka na pata makabalik ka agad. Tawagan mo nalang ako pag malapit ka na.

Thyme: Sige babe dadalian ko lang magready ka na din para pagbalik ko aalis na tayo.

Kavin: Sige babe...  dalian mo na...

Nagsuot ng apron si Kavin at kinuha lahat ni Kavin ang pinagkainan nila at naglakad papuntang lababo at nagsimula mag hugas ito. Napansin naman ni Thyme na nagtatampo pa din si Kavin sa kanya dahil sa nagyari kagabi.

Pumunta si Thyme sa likod ni Kavin at nilambing niya ito at niyakap niya ang fiancé niya

Thyme: Babe wag ka na mag tampo alam mo naman mahal na mahal kita at ayaw kitang nakikitang nasasaktan. (*Hinalikan ni Thyme ang leeg ni Kavin at ang pisngi.*)

Naasar pa din si Kavin at pinipilit niyang layo si Thyme ngunit ayaw magpakawala nito.

Kavin: Thyme. ano ba okay na nga sige na... alis ka na...

Thyme: Kavin.... asawa ko....

Kavin: Thyme.... sige na.. u-umalis ka na... (*Napatigil ito sa pag huhugas at hinawakan niya ang plato habang napakagat ang kanyang labi sa pag pigil niya sa sarili niya.*)

Patuloy ang paghalik at paglambing ni Thyme kay Kavin hangang unti unti nang binibigay si Kavin.

Thyme: Sorry na Kavin ko wag ka na mag tampo please hindi ako titigil hangan't mapatawad ako ng mahal ko. (*Hinalikan niya pa si Kavin sa leeg.*)

Hindi na mapigilan ni Kavin at bumibigay na siya sa mga halik ni Thyme. Nabitawan niya ang plato at hinarap siya ni Thyme nang magkaharap na sila patuloy pa din si Thyme sa pag bigay pansin kay Kavin.

Nagtinginan ang dalawa kahit anong pilit umiwas ni Kavin hindi niya ito kaya. Ginagamit ni Thyme ang teknik na tinuro niya dati at mas lalong bumibigay ito.

Kavin: Thyme.... uhm...

Thyme: Shhh....

Nilagay ni Thyme ang isang daliri niya sa labi at pinagmasdan niya ang itsura ni Kavin. Nakatingin lang ito ng mabuti sa kanya tila naghihintay ng kung ano man gagawin ni Thyme sa kanya. Patuloy nagtinginan ang dalawa habang unti unti hinahaplos ng mga daliri niya ang muka ni Kavin.

Pinagmasdan ito ni Kavin ang mga mata nito wala siyang magawa parang naging bato siya na paralyze hindi makagalaw hindi niya maalis pag tingin kay Thyme.

Habang nagtitinginan sila unti unting bumagal ang mundo nila biglang parang paliit ng paliit ung kwarto, parang mas lalo siyang lumalapit kay Thyme hindi niya macontrol ang katawan niya.

Napahinga nalang silang dalawa patuloy pa din ang paghaplos ni Thyme at palapit ng palapit ang muka ni Thyme. Napipigilan na ng hininga si Kavin at hindi niya na matiis gusto niya na mag connect ang labi nila ni Thyme.

Mas lumapit lalong si Thyme kay Kavin napatingin si Kavin sa labi ni Thyme at tuluyang na napapikit ito. Hindi na pinahintay pa ni Thyme si Kavin at dinikit niya na ang kanyang labi sa labi ni Kavin.

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon