F4 -
BACK TO YOU SERIES( ONE )
Chapter 15:
Episode 1: This Kiss
Kinabukasan nagising si Ren at wala na si Thyme. Nagtaka ito at bumaba agad at nakitang may nakahandang almusal para sa kanya. At may sulat din.
_
Ayan pinagluto na kita mg almusal mo. Pasensya na kagabi ito na ang pagbabawi ko sayo at swerte mo matitikman mo na luto ko.Alahanin mo usapan natin at umayos ka sa mga gagawin mo kay Kavin! 😡
-Thyme
_Ren: Wow kakaiba ka din ha bumawi ka nga binantaan mo din ako hay nako pero salamat Thyme. (*Natuwa ito at umupo.*) Sige nga tikman natin ang pinagmamalaking luto ni Thyme. Mukang masarap naman at amoy masarap...
Kumuha ng kapraso si Ren at kumain ito laging gulat nito na ang sarap nga ng niluto ni Thyme at natuwa siya sa talento ng kanyang kaibigan.
Ren: Infairness masarap mga mag luto si Thyme. Matuto nalang Swimming nalang kulang niya. kakayanin niya na lahat.
Si Thyme naman nasa Clubroom na at naisipang tawagan si Cecille. At nang tawagan sinagot naman agad ito ni Cecille.
Cecille: Hello Thyme? Bakit ano meron mapatawag ka? Wag mo sabihin babawiin mo yung text mo kagabi?
Thyme: (*Hay nako nakakairita naman ang boses nito bwisit.*) Ahh ehh napatawag lang para sabihin sayo na totoo nga yun na gusto ko makipag date at susubukan ko gustohin ka. (*Hindi seryosong sinabi ni Thyme.*)
Cecille: Sweet mo naman o sige ! oh mamaya na pag nagkita tayo sa university sige bye bye. Kinilig ako dito ha ikaw talaga.
Thyme: (*Baliw talaga itong babae na ito kala mo naman totoo ito. sabi niya sa isip niya.*) Okay bye.
Binaba ang Telephone at Napaisip nalang si Thyme na bakit pa niya tinawagan si Cecille.
Samantala sa bahay ni Kavin kakagising lang nito at medyo nahihilo pa din dahil kagabi pero bumangon ito, naligo at nag ayos.
Nang matapos bumaba ito at gumawa ng almusal niya at magsisimula na ito kumain ng bigla nag ring ang doorbell niya.
Kavin: Hayy naman yung kakain ka na tapos biglang may istorbo pa.
Nagring ulet ng tuloy tuloy ang Doorbell tila nang iinis lang.
Kavin: Oo na oo na ito na ako.
Pumunta si Kavin sa pinto at binuksan ito at nakita niya si Cecille at may dala itong pagkain.
Cecille: Beshyyy Kavin! Goodmorning may dala akong food! sabay na ako sayo.
Kavin: Ahh ehh (*Nagsmile nalang ito.*) Sige ano pa ba magagawa ako uhm Beshy. Tara pasok ka.
Cecille: Thanks Kavin!
Pumasok ito at dumeretso sa dinning area at nilapag ang pinamiling pagkain
Cecille: Sosyal ang ganda ng bahay mo ha. Tara kain na tayo tapos sabay na tayo pumasok! kakaexcite makikita ko na ulet si Thyme!
Kavin: Salamat at oo hahaha 🙄 sige kain ka na salamat din pala sa pag kain na dala mo.
Cecille: Bestfriends naman tayo saka the least I can do kasi super bait mo saakin at ikaw lang nakakaintindi saakin at kung hindi dahil sayo hindi papayag makipag date sakin si Thyme malay mo tuloy accept niya na din ang pagiging fiancé ko 😁 (*Kumakain ito.*)
Kavin: (*Sarap mo sapakin ang kapal mg muka mong babae ka 😡 Hindi ka mamahalin ni Thyme ako lang! Asa ka pa. Sabi nito sa isipan niya tila pinipigilan ang galit.*) Welcome... well sabi ko nga sayo tingnan natin sisimula palang naman ngayon
BINABASA MO ANG
F4 - Back To You
ФанфикThe famous drama that first sparked everyone to love who you love. Now that this famous drama will have a Thailand Reboot Version with our famous BrightWin but are only best of friends. Yet... what happens if it became a BL story version of the fam...