Chapter 12 - (5) - All In My Head

43 0 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                           

Episode 5: All In My Head

Ilang minuto lang ay nakarating sila sa mansion ni Thyme ay agad silang binati ni Liam at sinabi na nakahanda na ang breakfast nila.

Thyme: Salamat Liam, Tara babe.

Kavin: (*Ngumiti naman si Kavin kay Liam at napansin ito ni Thyme*) Salamat Liam 🤭

Thyme: (*Kinuha ang kamay ni Kavin at hinila siya paloob at sumunod naman ito*) Ikaw talaga nako isa nalang papaalisin ko na si Liam sige.

Natawa nalang si Liam at sumunod ito sa dalawa na nagaaway dahil sa kanya.

Kavin: Grabe ka talaga nagpasalamat lang eh... (*Natawa ito*) Ikaw talaga mababaliw ka nanaman sa pag selos mo.

Thyme: Iba kasi tingin mo sa kanya at Ngitian mo pa... Ano gusto mong isipin ko....

Kavin: Baliw ka talaga (*Hinalikan niya si Thyme.*) Ikaw lang mahal ko noh saka alam ko naman  kung sumusobra na ako sa pang aasar kaya sorry na kung sumobra at wag ka na mag selos.

Thyme: Hay nako sige na babe...

Kavin: (*Nakita niya si Liam*) Diba Liam maliwanag naman diba? kung sino lang ang gusto ko.

Liam: Maliwanag po Sir Kavin. Pasensya po Sir Thyme kung nag selos kayo dahil saakin. (*Nagsorry ito*)

Thyme: (*Nagulat ito*) Ahh ehh wala yun Liam hayaan mo na ito talagang si Kavin. Sige na Liam kakain muna kami pakihanda nalang kotse namin para makaalis agad tayo.

Liam: Masusunod po Sir Thyme.

Kavin: (*Natawa ito*) O ayan ha (*Pinisil ang pisngi ni Thyme*) okay na?

Thyme: Oo na babe ito naman tara kain na tayo.

Umupo sila sa dinning area at nag simula kumain ng hinanda ni Liam sa kanila. Habang kumakain sila napatanong si Kavin kay Liam.

Kavin: Natataka ako babe... kay Liam.

Thyme: Bakit naman?

Kavin: Eh kasi siya lang naiwan dito diba dapat kasama siya sa mama mo? Nakakapagtaka lang kasi...

Thyme: Naisip ko na din yan soguro nandito siya paea bantayan tayo babe tingnan ang bawat galaw natin.

Kavin: Ahh sabi na nga ba ehh... Eh kung ganun bakit mo pa siya papasamahin saatin mamaya?

Thyme: Kailangan ko malaman plano ni mama kahit papaano susubukan ko siya mapaamin.

Kavin: Sana mapaamin mo para mapagplanohan nanatin.

Thyme: Ako na bahala sige na babe kumain ka na.

Tinapos nilang kumain at nang matapos pumunta sila sa kotse nila at nag hihintay si Liam.

Liam: Ready na Sir Thyme. Sir Kavin. sa kabilang kotse n po ako susundan ko nalang po kayo

Thyme: Sige Salamat Liam.

Kavin: Salamat din Liam (*Kinindatan ito ni Kavin*)

Thyme: (*Napansin ni Thyme*) Pumasok ka na nga babe 🙄

Kavin: Hehehe (*Pumasok sa kotse ni Thyme.*)

Thyme: Pagpasensyahan mo na siya Liam pwede ka ba makausap bago tayo umalis?

Liam: Oo naman Sir Thyme Tungkol saan?

Thyme: Liam alam ko na alam mo kung ano ang sinasabi ko.

Liam: Sir Thyme... hindi ko po gusto si Sir Kavin maniwala po kayo saakin inaasar lang po kayo non saakin.

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon