Chapter 17 - (2) - Love at First Sight

29 2 0
                                    

F4 -
BACK TO YOU SERIES

                           

Episode 2: Love at First Sight

Nagising si Calvin at medyo malungkot pa din ito dahil sa nagyari sa kanila magkapatid. Pero umaasa pa din siya sa plano ni Thyme at sana makabati na silang magkapatid.

Nagaayos ito at nag reready sa pag alis papunta sa company nila. Sinabi ng tatay niya nakausapin daw si Ms Lucille ang nanay ni Thyme regarding sa kung bakit nag pull out siya sa investment at kung sakali pagusapan ng maayos ito para masettle.

Alam ni Calvin na sana pag bigyan siya ng nanay ni Thyme dahil magkaibigan naman sila at matagal na din close ang mga pamilya nila.

Nang matapos mag ayos sumakay si Calvin sa kotse at umalis na ito papunta sa company nila.

Sa mansion naman ni Thyme nakaalis na ng maaga sila Thyme at Kavin pumasok na ito sa eskuelahan si Liam naman nag reready para sa meeting nila ni Calvin.

Luke: Ready ka na ba?

Liam: Hindi ko nga alam kung ano gagawin ko.... ayaw ko naman magalit saakin si madam at ayaw ko naman maging masama sa paningin nila Sir Thyme.

Luke: Gawin mo lang kung ano yung tama Love. Saka mo na isipin ung ibang mag yayari.

Liam: Bakit kasi hindi ko nalang sinabi kagabi kayla Sir Thyme ang plano ni madam.

Luke: Alam ko naman gusto mo sabihin kaso wala rin lasing na sila saka may galit pala si Sir Kavin sa kanya.

Liam: Oo nga eh... hmmm sige parang alam ko na ang gagawin ko. Mauuna na ako Love malate pa ako.

Luke: Ahh o sige. hindi na ba ako sasama?

Liam: Wag na mabilis lang naman ako saka alam ko na gagawin ko.

Luke: O sige... Pero wag ka maakit sa Calvin na yun ha.... Baka sugurin ko yan nagselos na ako kay Sir Kavin baka naman sa kapatid niya...

Liam: Baliw ka talaga. Ikaw lang ang love ko noh bumigay na nga agad  ako sayo... 🙈

Luke: Ay dapat lang nako.... baka maging Sir Kavin ako magalit din ako sa kanya.

Liam: Dami na sinabi sige na babalik agad ako.

Luke: Okay Ingat ka (*Hinalikan ni Luke si Liam.*)

Liam: Sarap naman...

Luke: Balik ka agad para may Part 2 😉

Liam: Sige ha sabi mo yan 🙄

Luke: Oo sige na baka hindi ko pa mapigilan sarili ko hindi ka maka punta sa meeting na yan.

Nagtawanan sila at hinatid ni Luke si Liam sa kotse. Sumakay ito at umalis papunta sa Suriya Company.

Makalipas ng ilang oras sa University  at Lunch Time na. Sinabihan ni Thyme na samahan ni Ren si Kavin dahil pupunta ang kuya niya. Pumayag naman si Ren at hindi naman nahalata ni Kavin ang pinaplano ni Thyme. Sumangayon ito kay Ren at nag lunch sila sa Open rooftop kasama si Gorya.

Naiwan sa Clubroom si Thyme, MJ at si Chester. Nagtataka si Chester kung bakit ayaw siya pasamahin kay Gorya ni Thyme.

Chester:  Sir Thyme naman ngayon mo lang ata ako pinagbabawalan samahan si Gorya bakit ano ba meron?

Thyme: Basta wag ka na masiyadong mag tanong dadating na yun maya maya.

MJ: Bro ano nanaman ba pinaplano mo?

Thyme: Basta Bro. First Step ito sa  pagpapatawad ni Kavin kay Calvin.

Chester: Ahh yung kuya pala ni Kavin. bakit may issue ba sila?

F4 - Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon