Chapter XXXII: War Between Superpowers (Part 1)
Pagkatapos na pagkatapos makolekta ang lahat ng bangkay at kayamanan ng mga kalabang napaslang sa labanan, agad na ibinigay ni Yopoper ang mga ito kay Finn. Kasabay ng mga ito, ibinigay niya na rin ang kaniyang ulat patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pangkat. Ipinaalam niya rito kung gaano karami ang sugatan at kung ilan ang nasawi nilang kasamahan sa naganap na laban.
“Pagkatapos nating makipagsapalaran sa lugar na ito, magtatalaga ako ng mga kakatas sa death energy ng mga bangkay na ating napatay. Siguradong matataas na kalidad ng death energy ang tinataglay ng mga nakalaban natin,” sabi ni Finn. Bahagya siyang ngumiti kay Yopoper at nagpatuloy, “Dahil malaki ang kontribusyon ninyo, at dahil kayo lang din ang nangangailangan ng death energy, lahat ng makukuhang death energy sa mga napaslang ay mapupunta sa inyo. Palalakasin natin ang inyong dibisyon sa pamamagitan ng pagbuo ng hukbo ng mga soul puppet na may lakas na maikukumpara sa Immortal Rank.”
Bumakas ang pananabik sa ekspresyon ni Yopoper dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Finn. Isa itong napakagandang balita para sa kanila. Sa kanilang dibisyon ibibigay ang mga death energy na makakatas sa mga bangkay, at dahil mataas na kalidad ng death energy ang tinataglay ng mga bangkay, hindi malabo na magkaroon na rin sila ng soul puppet na may lakas na maikukumpara sa Immortal Rank.
Nakikita niya ito bilang magandang bagay para sa kanilang mga soul puppet master dahil ang pagkakaroon ng makapangyarihang soul puppet ay kailangan para maisakatuparan nila ang kanilang hangarin na maging pinakamalakas na pangkat ng soul puppet master sa buong sanlibutan.
Pero, isang bagay ang sumagi sa kaniyang isipan na naging dahilan para magbago ang kaniyang ekspresyon.
“Paano ka, Panginoong Finn? Marami kang gamit na soul puppet at kailangan mo ng marami at matataas na kalidad ng death energy para mapalakas mo ang iyong mga soul puppet. Mas kailangan mo ang death energy ng higit sa amin dahil ikaw ang aming panginoon, ikaw ang pinuno ng New Order, Panginoong Finn,” seryosong pagpapaliwanag ni Yopoper.
Bahagyang ngumiti si Finn kay Yopoper. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at marahang sinabing, “Huwag mo akong alalahanin. Lahat ng mapapatay ko ay alinman sa sasarilihin ko o ipamamahagi ko sa inyo. Ang mga mapapatay ninyong kalaban ay sa inyo ang bagsak ng death energy habang ang mga mapapatay ko ay paghahatian natin.”
“Sa ngayon, unahin muna natin ang pagpapalakas sa inyong dibisyon. Kayo ang pinaka kailangan kong tutukan dahil sa mundong ito, malaki ang pakinabang ng inyong mga soul puppet,” dagdag niya pa.
Kahit na pakiramdam ni Yopoper ay hindi patas ang pagkakaayos ni Finn sa mga bagay-bagay, hindi na siya kumontra. Alam niyang wala na rin siyang magagawa dahil kilala niya na kung anong klaseng indibidwal ang kanilang panginoon.
Hindi ito makasarili at palagi nitong iniisip ang ikauunlad ng lahat sa halip na ang ikauunlad niya lamang. Isa ito sa mga dahilan kaya sobrang laki ng paghanga niya rito, at ito rin ang dahilan kaya siya at ang dating mga miyembro ng Bloody Puppeteers ay handang mamatay para dito.
Matapos maipahayag ang kaniyang balak, inatasan na ni Finn si Yopoper na ihanda na ang mga bise kapitan at miyembro ng ikalawang dibisyon. Ipinaalam niya rito na kailangan na nilang ipagpatuloy ang naudlot nilang paglalakbay. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa iba't ibang bahagi ng lugar na kanilang kinaroroonan, at kung mananatili silang walang ginagawa, makukuha ng iba ang oportunidad na kailangan nila.
--
“Hindi ganito ang inaasahan ko sa lugar na ito,” matapat na sabi ni Lore habang nakatigil sila sa loob ng isang kuweba. Binalingan niya ng tingin sina Sig at nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Akala ko ay maraming naghihintay na oportunidad sa lugar na ito para sa atin. Talaga nga kayang libingin ng diyos ang lugar na ito..? Kung oo, bakit wala man lamang mga kapaki-pakinabang na kayamanan tayong makita?”
![](https://img.wattpad.com/cover/357647774-288-k824683.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasySynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...