Chapter CXXXI

5.2K 913 67
                                    

Chapter CXXXI: Deceived

Ngumiti si Finn at bahagya siyang tumango habang pinagmamasdan niya ang limang air ship na mayroong sagisag ng New Order. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman niyang pananabik dahil sa wakas, muli nang masasaksihan ng mundo ang bagong lakas ng kanilang puwersa. Matagal-tagal din ang kanilang naging pananahimik. Hindi sila nagparamdam sa Land of Origins ng ilang taon, at nakasisiguro siya na inaakala ng iba na umalis na sila. Ganoon man, ngayon ay nakahanda na silang lumabas ng Tower of Ascension at Myriad World Mirror para sa huling hamon. Nahati niya na ang dalawampu't limang dibisyon ng Divisions of Imperial Armies sa limang grupo at inatasan niya ang bawat grupo na sumakay sa limang air ship.

Tungkol sa apat na dibisyon ng Divisions of Imperial Craftsmans, maiiwan sila sa Tower of Ascension upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho. Hindi rin makakasama si Firuzeh sa huling hamon dahil bukod sa mayroon siyang eksperimentong tinatrabaho, kailangan pa rin niyang panatilihing lihim na buhay siya.

Huminga ng malalim si Finn. Pumihit siya at nang isinantabi niya muna ang lahat ng mga bagay na hindi mahalaga. Itinuon niya na ang kaniyang konsentrasyon sa pagbuo ng koneksyon sa kaniyang Myriad World Mirror, at pagkatapos, kinontrol niya na ito at kaagad siyang gumawa ng isang napakalaking lagusan na kasya ang isang air ship.

Kung noon ay nahihirapan siya, ngayon ay napakadali na lang para sa kaniya na gawin ito. Mabilis na siyang nakakagawa ng lagusan—maliit man o malaking lagusan—kaya makaraan lang ang ilang sandali, handa na ang lagusan palabas ng Tower of Ascension at Myriad World Mirror.

Sumakay na si Finn sa pangunahing air ship ng kanilang puwersa. Kasa-kasama niya sa air ship ang kaniyang mga heneral, ang mga espesyal na miyembro, ang Dark Crow, ang espesyal na dibisyon, at ang una hanggang ikaapat na dibisyon.

Unang lumabas ang kanilang air ship, pero mabilis na nakasunod sa kanila ang apat pang air ship. At nang makalabas na ang lahat, isinara na ni Finn ang lagusan at ibinalik sa kaniyang katawan ang Myriad World Mirror. Sumenyas na siya na magpatuloy kaya muli nang umandar ang sinasakyan nila palabas ng santuwaryo.

Samantala, may sumagi sa isip ni Eon. Mayroon siyang naalala kaya agad niyang tinanong si Finn tungkol dito.

“Master, hindi ba't nag-iwan ka ng clone rito? Nasaan na ’yon? Bakit hindi ko makita sa islang ito ang iyong clone?” nagtatakang tanong ni Eon.

“Ang clone ko?” sinulyapan ni Finn si Eon. Makahulugan siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita, “Pinauna ko na siya sa lugar kung nasaan ang kakalabanin nating nilalang. Hindi ko na masyadong mapakikinabangan ang isang iyon kaya sa halip na isabay siya sa atin, ginawa ko na lang siyang pain.”

Naguluhan si Eon sa tugon ni Finn. Naging palaisipan sa kaniya kung ano ang binabalak ng kaniyang master sa clone nito, pero makaraan ang ilang sandaling pag-iisip, nagliwanag ang kaniyang ekspresyon at marahas siyang humalakhak dahil naunawaan niya rin kung ano ang ibig nitong sabihin.

“Hindi na ako makapaghintay na malaman kung sino ang hangal na mahuhulog sa pain. Kapag may nahulog na, maaari bang ako na lang ang umasikaso sa bagay na iyon, Master?” makahulugang tanong ni Eon at malapad siyang ngumiti.

Nagkibit-balikat si Finn at malumanay na sinabing, “Ikaw ang bahala. Pero, siguruhin mong uunahin mo kung ano ang nararapat bago ang tungkol sa bagay na iyon.”

“Masusunod, Master,” sabi ni Finn at sumipol-sipol na lang siya.

Ang ibang heneral ay hindi na nagkomento tungkol sa bagay na ito dahil hindi nila lubos na maunawaan kung ano ang pinag-uusapan nina Eon at Finn. Wala silang ideya tungkol sa clone dahil noong malikha ang clone ni Finn, tanging sina Eon, Poll, at Meiyin lang ang naroroon.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon