Chapter CXLVI

5.6K 984 128
                                    

Chapter CXLVI: Skill Bombardment; Shocked

Sabay-sabay na nagkaroon ng pagbabago sa ekspresyon nina Eaton, Orwell, Kaimbe, Imre, at Melech. Maghahanda na sana sila para protektahan ang kanilang sarili at mga kasama matapos nilang masaksihan na ang Evil Jinn ay lumikha ng isang barrier. Alam nila na may mangyayaring sakuna dahil ganito rin ang nangyari noong una, ganoon man, nang matanggap nila ang mensahe ni Finn, kaagad silang kumilos upang isakatuparan ang instruksyon nito sa kanila.

Malinaw sa kanila kung gaano kalala ang kasalukuyang sitwasyon kaya kaagad na pinasunod nina Kaimbe, Melech, at Imre ang mga nakahandang hukbo ng water celestial para sumugod sa kalaban. Wala silang sinayang na panahon at ibinuhos nila ang kanilang buong bilis dahil kailangang-kailangan nilang mapigilan ang paglikha ng Evil Jinn sa isang matinding sakuna.

Sa kabilang banda, lahat ng mga tagalabas ay agad na umatras at gumawa ng kani-kanilang proteksyon. Hindi na nila sinubukan na atakihin ang barrier dahil noong huli nilang ginawa iyon, napahamak lang sila at marami pa ang nasawi dahil hindi nila nagawang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mapaminsalang atake ng Evil Jinn.

Ang tanging nasa isip lang ng bawat isa sa kanila ngayon ay ang gumawa ng proteksyon na makapagsasalba sa kanila. Hindi na rin nila sinubukan pa na lumayo dahil nasaksihan nila na kahit malayo na ay nakakaabot pa rin ang kapangyarihan ng Evil Jinn.

At habang ang karamihan ay lumilikha ng pinakamatibay na proteksyong kaya nilang likhain, si Finn ay kasalukuyang natataranta dahil wala pa rin ang espesyal na dibisyon. Nagsisimula ng mag-ipon ng enerhiya ang Evil Jinn, at kung magpapatuloy ito, hindi kalaunan ay matatapos ito at mapapakawalan nito ang enerhiyang inipon nito na magdudulot ng matinding sakuna sa buong lugar.

“Asan na ba sila?!” nangangambang sambit ni Finn.

Hindi niya na talaga kayang panatilihin ang kaniyang pagiging mahinahon. Maraming buhay ang nakataya sa pagkakataong ito. Nawala na sa kanila sina Noah, Vella, Leo, at ang iba pa, at hindi niya na gustong may mawala pa kaya kailangan nilang mapigilan ang Evil Jinn sa kahit na anomang paraan.

At upang mapigilan ito, isa lang ang kaniyang naiisip na paraan. Isang paraan lang ang maaaring makawasak sa barrier, at iyon ang iniutos niya sa mga pinuno ng espesyal na dibisyon ganoon din kay Eaton.

Makaraan pa ang ilang sandaling paghihintay, nasaksihan ni Finn ang pagdating ng espesyal na dibisyon. Napakarami ng bilang ng mga ito, at sa kasalukuyan, ang bawat isa sa mga ito ay aktibo ang Celestial Wrath. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa agarang pagresponde ng mga ito, ganoon man, hindi pa rin siya nakampante dahil patuloy pa rin ang Evil Jinn sa pag-iipon ng marahas na enerhiya.

“Huwag na kayong mag-alinlangan! Gawin n'yo na!” pagsigaw ni Finn bilang hudyat sa mga water celestial.

Nagulantang ang mga nasa paligid sa kanilang nasasaksihan. Hindi nila maunawaan kung ano ang binabalak ng mga water celestial na tauhan ni Finn. Malinaw na nalalapit nang maganap ang sakuna, subalit ang mga ito ay naglakas pa rin ng loob na lumapit at para bang nagbabalak pa ang mga ito na sumugod.

Sa mata ng mga naroroon, pagpapatiwakal ang binabalak ng mga water celestial. Marami ang sumubok noon na sirain ang barrier. Mayroon pang mga Demigod Rank at may mga nagtataglay ng divine artifact, pero hindi sila nagtagumpay. Tapos ngayon, susubok pa ang mga ito na umatake? Ang mga ito ay isang pangkat lamang ng mga water celestial, at kahit na libo-libo pa ang bilang ng mga ito, wala pa ring bilib ang mga nasa paligid na may magagawa ang mga ito para pigilan ang Evil Jinn.

Ganoon man, nagulantang sila sa mga sumunod na naganap.

Pinangungunahan ni Eaton ang espesyal na dibisyon kaya siya ang nagpasimula ng pag-atake. Pinalakas niya ang celestial power na bumabalot sa kaniyang katawan, at inipon niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan sa kaniyang palad. Ginaya nina Orwell, Kaimbe, Imre, at Melech ang kaniyang ginawa. Inipon din ng mga ito ang lahat ng kanilang celestial power sa kanilang palad.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon