Chapter CXLI: Miracle
Lahat ay nagulat sa pasurpresang pag-atake na ginawa ni Brien kay Finn. Ganoon man, inaasahan na nilang may mangyayaring ganito dahil alam nila na mayroong hindi makakatiis at mapangingibabawan ng pagkaganid kapag nagkaroon ng magandang pagkakataon. Sa kabila nito, wala sa mga tagalabas ang kumilos upang sumaklolo. Kinaawaan lang nila ang nangyari rito, at naghintay na lang sila sa mga maaari pang mangyari.
Malaking pagkakataon na ito upang makuha ang divine artifact ni Finn. Kailangan lang nilang maghintay ng tamang pagkakataon, at kailangan lang nilang masiguro na hindi sila mauunahan ng iba.
Samantala, kung mayroon mang agad na kumilos, siyempre, iyon ay walang iba kung hindi ang mga miyembro ng New Order. At ang nangunguna sa mga ito ay walang iba kung hindi ang nanggagalaiti sa galit na si Eon.
Sobrang bilis ng pagsugod nito at nang makarating ito sa kinaroroonan nina Finn at Brien, walang pasabi siyang umatake.
Buong lakas niyang sinipa si Brien. Ganoon man, nginitian lang siya nito at hindi gaanong pinansin. Hindi ito umiwas, at noong tatama na sana ang kaniyang paa rito, mas lalo siyang nanggalaiti sa galit dahil hindi ito tumama, bagkus, tumagos at naipit lang ang paa niya sa katawan nito.
Humalakhak si Brien. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at sinabing, “Kung ako sa i--”
SWOOSH!
Hindi pinatapos ni Eon ang sasabihin ni Brien dahil puwersahan niyang ipinilipit ang kaniyang katawan at buong lakas niyang tinadyakan ang mukha nito.
BANG!!!
Kaagad niyang naunawaan ang kakayahan ni Brien kalaban kaya ang sunod niyang pinakawalang atake ay hinaluan niya ng kapangyarihan ng espasyo. Direkta itong tinamaan. Hindi na tumagos ang kaniyang paa at binti rito kaya marahas itong tumilapon sa malayo.
Wala siyang pakialam kahit nabali ang kaniyang binti. Galit na galit siya dahil sa ginawa nito sa kaniyang master, at wala siyang panahon na makinig sa kahit na anong sasabihin nito.
Hindi pa huminto siya huminto roon. Hindi siya nakontento sa kaniyang ginawa dahil labis na panggigigil ang kaniyang nararamdaman. Ang pagkahayok niya sa dugo ay ramdam na ramdam ng mga naroroon. Gustong-gusto niyang paslangin si Brien dahil sa ginawa nito sa kaniyang master.
Iniwan niya muna si Finn sa pangangalaga nina Meiyin, Poll, Auberon, Kamila, at ni Faino na bigla na lamang lumabas mula sa isang lagusan. Hinayaan niya na ang mga ito, at ipinaubaya niya na sa mga ito ang buhay ng kaniyang master dahil kung mayroon mang makakagamot sa pinsalang tinamo nito, hindi siya iyon.
Ang magagawa niya lang ay paslangin kung sino man ang kasumpa-sumpang gumawa noon sa kaniyang master kaya hinabol niya ito, at sa kasalukuyan nakasunod na rin sa kaniya sina Leonel, Loen, at ang iba pang malalakas na miyembro ng New Order.
Samantala, mabilis na nakabawi si Brien sa ginawa sa kaniya ni Eon. Tumabingi ang kaniyang panga at umaagos ang dugo sa malaking sugat sa bibig niya. Pero, agad niya itong napaghilom at kahit na may mga miyembro ng New Order na pasugod sa kaniya mula sa iba't ibang direksyon, hindi siya natakot o nangamba.
Ginawa niyang anino ang kaniyang sarili. Naglaho siya na para bang bula at hindi mamataan nina Orwell, Eaton, Eon, Ceerae, at ng iba pang malalakas na miyembro ng New Order ang kaniyang kinaroroonan.
Nang muli siyang lumitaw, malayo na siya sa mga miyembro ng New Order. Wala siyang humpay sa paghalakhak, at noong huminto siya, binigyan niya ng nanghahamak na tingin sina Eon. Naglabas siya ng isang itim na aklat, at lumutang ito sa kaniyang harapan. Ang aklat na ito ay nagtataglay ng kakila-kilabot na aura, at ang lakas nito ay maihahalintulad sa lakas ng aura ng isang divine artifact.
![](https://img.wattpad.com/cover/357647774-288-k824683.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasiaSynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...