Chapter CLXIX: Farewell, Land of Origins
Nang makalabas si Finn sa silid, agad niyang napansin si Eon sa tabi ng pintuan. Nakaupo ito, pero tumayo rin ito agad matapos siya nitong makita. Pasimple itong sumisilip sa loob ng silid, at nang mapagtanto niya kung bakit ito sumisilip, umiling siya at marahang sinabing, “Umalis na siya. Gumamit siya ng teleportation stone kaya nakaalis siya sa lugar na ito nang walang nakakapansin sa kaniya.”
Pinagkrus ni Eon ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Bahagya siyang tumango at sinabing, “Mabuti na lang at hindi siya nakaisip ng masama sa iyo, Master. Kaya ako nagbabantay rito ay dahil gusto kong masiguro na agad akong makakasaklolo kung sakaling may gawin siyang hindi maganda sa iyo.”
Pilit na ngumiti si Finn. Bumuntong-hininga pa siya at nagsimula na siyang maglakad upang marating niya ang sentro kung saan kasalukuyang naroroon ang mga axvian at ang ibang miyembro ng New Order.
At habang naglalakad siya, ipinaliliwanag niya rin kay Eon na hindi niya dapat maliitin si Lucius.
“Salamat sa pag-alala, pero sa totoo lang, kung gugustuhin ni Lucius na gumawa ng gulo rito, walang sinuman sa atin ang makapipigil sa kaniya. Kung mayroon siyang gustong paslangin, sa kasalukuyan nating lakas, hindi natin siya kakayanin dahil isa siyang Abyssal Demigod Rank--nilalang na mas malakas pa kaysa sa kahit na sinong emperador o emperatris sa kasalukuyan,” paliwanag niya.
Natigilan si Eon at napahinto siya sa pagsunod kay Finn. Napaawang ang kaniyang bibig at hindi niya napigilan na mapabulalas. “Abyssal Demigod Rank?! Paano nangyari iyon, Master? Hindi naman siya isang emperador... ibig bang sabihin ay mas malakas siya kay Guro, na isang Supreme Demigod Rank?”
Nang makabawi siya, nagpatuloy siya sa paghakbang at pagsunod kay Finn. Halata sa kaniyang reaksyon na hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Napahinga na lang siya ng malalim at seryosong napaisip. Hindi niya iyon inaasahan dahil buong akala niya, si Lucius ay mas malakas lang kaysa sa isang pangkaraniwang Chaos Demigod Rank.
“Hindi niya kailangang maging emperador para maabot ang Supreme Demigod Rank o Abyssal Demigod Rank. Anak siya ng Elemental God, nakalimutan mo na ba? Taglay niya ang dugo ng isang diyos kaya siguradong likas na sa kaniya ang pagkakaroon ng kapangyarihan na may basbas ng kalangitan,” paliwanag ni Finn at binigyan niya ng makahulugang ngiti si Eon.
Malalim na napaisip si Eon dahil sa mga sinabi ng kaniyang master, at habang nag-iisip siya, mayroong sumagi sa isip niya. Mayroon siyang napagtanto na naging dahilan para magliwanag ang kaniyang ekspresyon.
“Kami nina Guro, Ina, at Ama ay nagtataglay rin ng dugo ng Dragon God. Ibig bang sabihin ay may posibilidad na maabot namin ang Supreme Demigod Rank o Abyssal Demigod Rank kahit hindi kami makipag-agawan sa trono ng emperador o emperatris, Master?!” tanong niya at mahahalata sa tono niya ang pananabik.
“Naisip kong posible iyan, pero ang taglay ninyong dugo ng Dragon God ay kakarampot pa lamang. Isa pa, magkaiba ang kaso ninyo sa kaso ni Lucius. Namana niya ang kaniyang dugo ng diyos sa kaniyang ama. Natural iyon sa kaniya kaya tumutugma iyon sa kaniyang katawan. Tungkol sa inyo, inabsorb n'yo lang iyon kaya hindi pa iyon gaanong tugma sa inyong katawan. Higit pa roon... kontrolado n'yo na ba ang lakas ng dugo ng Dragon God? Kaya n'yo na bang palabasin ang potensyal noon? Kung magagawa ninyo, sa tingin ko ay hindi malabong maabot ninyo ang Supreme Demigod Rank o kahit ang Abyssal Demigod Rank sa hinaharap.” tumango-tango pa si Finn kay Eon.
Kahit siya ay sobrang nasisiyahan din sa posibilidad na maabot nina Eon ang mas mataas na antas at ranggo kahit hindi sila makipag-agawan ng trono sa mga emperador o emperatris. Ganoon man, nakasisiguro siya na bago iyon mangyari ay kakailanganin muna ng mga ito ng matinding pagsasanay hanggang sa umakma na sa katawan nila ang dugo ni Drackon, ng Dragon God. Malaki ang kanilang potensyal, subalit kailangan muna nilang makontrol ang kapangyarihang taglay ng dugo ng isang diyos.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasySynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...