Chapter IX: Arrived
“Pero, masyado pang maaga para tumalon sa konklusyon. Ang inilhad ko ay “kung” sakali lamang. Naniniwala rin naman ako na hindi mo hahayaang puntiryahin tayo ng iyong mga magulang o kalahi,” dagdag ni Finn para pagaanin ang sitwasyon. Binigyan niya ng sinserong ngiti si Migassa at nagpatuloy na sinabing, “Basta maging makabuluhan sila at hindi nila pupuntiryahin ang mga miyembro ng New Order nang wala silang katanggap-tanggap na rason, hindi ako makikipagdigmaan sa kanila.”
“Ito ay hindi lang para sa iyong mga magulang at kalahi, ang mga sinasabi kong ito ay para sa lahat ng nagbabalak na pumuntirya sa akin at sa New Order. At kung sakali mang may pumupuntirya sa iyo, basta wala kang ginagawang masama na labag sa batas at panuntunan ng ating puwersa, siyempre poprotektahan kita dahil ikaw ay bahagi ng New Order, Migassa,” aniya pa.
Isinaisip at isinapuso ni Migassa ang lahat ng sinasabi ni Finn. Masaya siya dahil itinuturing siya nito na malaking bahagi ng New Order. Pinahahalagahan siya nito kahit na nagtataglay siya ng hindi magandang karanasan.
Bukod sa tuwa, nakararamdam din siya ng komplikasyon dahil hindi niya alam kung makakagirian nila ang kaniyang mga magulang. Wala siyang ideya sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap, ganoon man, disidido siyang pumagitna kung sakaling magsimula ng gulo ang puwersa ng kaniyang ama, ang kasalukuyang Divine Beast King na kilala rin bilang isa sa labindalawang emperador at imperatris ng divine realm, ang Moon-eater Beast Emperor.
Kampante siya na hindi New Order ang magsisimula ng gulo dahil kilala niya si Finn. Hindi ito basta-basta nagsisimula ng gulo maliban na lang kung mayroong humamon dito. Ang inaalala niya ay ang kaniyang ama, ina, mga kapatid, at ang mga tauhan ng kaniyang ama. Baka ituring nilang banta si Finn at makagawa ang mga ito ng maling hakbang na maaaring maging dahilan ng madugong girian. Marahil mas mahalaga na sa kaniya ngayon ang New Order, subalit ayaw niya pa ring makita na bumagsak ang kaniyang angkan dahil sa isang pagkakamali.
Dahil sa pangambang ito, napagdesisyunan niya na sundin ang mungkahi ni Finn. Mas maganda kung itatago niya muna ang kaniyang hitsura dahil baka siya pa ang maging dahilan para puntiryahin ng hukbo ng kaniyang ama si Finn at ang New Order.
Matapos ang ilang sandali, huminga si Migassa. Seryoso siyang tumingin kay Finn at nag-aalinlangan siyang nagtanong, “Nalalapit na ang pagpunta natin sa divine realm... Hindi magtatagal ay makikipag-agawan na tayo ng trono sa isa sa labindalawang emperador at imperatris. Hindi maiiwasan ang digmaan dahil upang makuha ang trono, kailangan mo munang patayin ang kasalukuyang nakaupo sa trono.”
“Mayroon ka na bang puntirya, Finn? Sa mga emperador at imperatris na nasa divine realm, mayroon ka na bang napili sa kanila na gusto mong palitan at agawan ng trono?” Tanong niya.
“Napiling palitan..?” Ulit na sambit ni Finn. Nang tanungin ito sa kaniya ni Migassa, dalawang pangalan ang agad na sumagi sa kaniyang isip. “Sa labindalawang nakaupo sa trono, hindi lang isa ang nasa listahan ko. Si Zephyrus, ang Celestial Sky Emperor at si Kardris, ang Blood Demon Emperor.”
Hindi na nagulat si Migassa matapos niyang marinig ang dalawang pangalan ng emperador. Mayroon na siyang ideya kung ano ang rason ni Finn, subalit, nahihiwagaan pa rin siya kung tama nga ba ang naiisip niya.
“Bakit si Zypherus? Dahil ba gusto mong italaga bilang pinuno ng Celestial Clan?” Tanong ni Migassa.
Bahagyang umiling si Finn. Bahagya siyang ngumiti at marahang tumugon, “Hindi iyan ang rason. Ang rason ko ay dahil kalaban siya ng aking ina at siguradong magiging kalaban ko siya dahil nakikita niya ako bilang banta. Hindi magtatagal, kapag nalaman na ng lahat ang totoo kong pagkatao, siguradong pupuntiryahin nila ako at ang aking ina. Hindi ko naman maaaring hayaan na lang sila na apihin ako, hindi ba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/357647774-288-k824683.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasiaSynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...