Chapter XVIII: Fill in the gap
Dahil sa hindi inaasahang pagdami ng halimaw, napilitan ang mga Demigod Rank at Abyssal Saint Rank na pumoprotekta sa pangkat nina Finn na kumilos. Imposibleng kayanin nina Exvious ang mahigit dalawampung Demigod Rank. Mapagmalaki sila, subalit hindi sila hangal. Nakakaya nilang kalabanin ang isa, nagagawa nila itong sabayan, subalit ibang usapan na ang napakaraming Demigod Rank.
Hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling malaking hiwaga pa rin sa kanila ang nangyari sa halimaw. Marahil lumiit ito at umaabot na lang sa pitong talampakan. Humina rin ito nang sobra, subalit dumami ang bilang nito at mas lumiksi kaysa sa orihinal nitong anyo. Mas naging malaking sakit ito ng ulo dahil hirap na hirap sila na kalabanin ito, ganoon man, wala silang pagpipilian.
Kailangan nilang labanan at pigilan ang bawat isa sa halimaw dahil kapag nakawala ito sa kanila, maaabala si Finn at ang mga Creation King at Queen sa paghahanap ng paraan para mabuksan ang tarangkahan.
Bukod sa mahigit dalawampung bersyon ng makapangyarihang halimaw, nariyan pa ang mga lobo na hindi maubos-ubos dahil kahit anong gawing pagpaslang sa mga ito, paulit-ulit lang itong nabubuhay muli. Hindi pa magandang hatiin ang mga lobo dahil sa tuwing hinahati nila ang mga ito, ang kanilang bilang ay mas lalong dumarami.
Sinubukan na nila ang iba't ibang paraan, pero talagang hindi nila magawang mapuksa ang mga lobo. Mayroon pa silang isa pang paraan na naiisip, pero hindi nila ito magawa dahil siguradong may madadamay. Naiisip ng karamihan na magpakawala ng napakalakas na atake sa puntong walang kahit anong bahagi ng katawan ng lobo ang matitira, ganoon man, kapag ginawa nila iyon, malaki ang magiging epekto noon sa kanilang paligid.
Kahit ang mga Demigod Rank na nakikipaglaban ay nagpipigil. Hindi nila magamit ang kabuoan ng kanilang kapangyarihan dahil alam nilang kapag dinagdagan pa nila ang puwersa ng kanilang bawat atake, mas matindi pa sa kasalukuyang gulo ang magaganap. Posible pang mawasak ang buong paligid.
Mabuti na lang dahil hindi rin nagpapakawala ng malalakas na atake ang halimaw. Nagwawala ang mga ito, oo, pero hindi labis na mapaminsala ang pag-atake nila. Higit pa roon, tila ba may sariling isip ang mga halimaw dahil hindi basta-basta umaatake ang mga ito kung saan-saan, ang inaatake lang nila ay ang kanilang mga kalaban.
--
“Walang nabanggit ang mga nauna tungkol sa ganitong kakayahan ng halimaw. Ang sinabi lang nila ay mayroong makapangyarihang dambuhalang halimaw ang nagbabantay sa tarangkahan ng libingan. Maaari kayang nagsinungaling sila..? O kaya naman ay hindi ipinakita ng halimaw na iyan ang kaniyang kapangyarihan sa mga nauna dahil iniisip niyang mahihina lang sila?” Taimtim na lahad ni Ashe habang pinanonood niya ang gulong nangyayari sa paligid.
Siya at ang mga orihinal na miyembro ng Ancient Phoenix Shrine ay hindi pa sumasali sa gulo. Karamihan sa kanila ay wala pang kakayahan na kalabanin ang mga lobo dahil ang mga ito ay nasa Immortal Rank. Kailangan pa nila ng proteksyon mula sa mga fire phoenix ng mundong ito kaya ang ginagawa na lang nila ay nagkukumpulan sila habang alertong binabantayan ang kanilang paligid.
“Mas malaking posibilidad na ang rason ay ang ikalawa mong sinabi. Pare-pareho ng sinabi ang mga naunang pangkat, at imposibleng nagkasundo silang lahat na isikreto sa iba ang tungkol sa bagay na ito. Isa pa, ang isa sa mga pangkat na nauna sa pagbaba sa bangin na ito ay kasama natin. Hindi ako naniniwalang magsisinungaling sila dahil kagaya natin, siguradong malaki rin ang kagustuhan nila na maisakatuparan ang ating pakikipagsapalaran sa pinaghihinalaang libingan ng isang diyos,” malumanay na sambit ni Alisaia. “Sa kabila nito...”
Huminga siya ng malalim. Taimtim na mga mata niyang tinitigan ang isa sa mga halimaw at seryoso siyang nagwika, “...mayroon akong napansing kakaiba sa halimaw na iyan. Hindi makabuluhan ang mga nangyayari... malaking tanong para sa akin kung paano nagawang makaligtas ng mga naunang pangkat sa halimaw. Isang Demigod Rank ang halimaw na iyan, at madali lang para rito na wakasan ang buhay ng mga Saint Rank.”
![](https://img.wattpad.com/cover/357647774-288-k824683.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasySynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...