Chapter CXLIV

5.7K 910 49
                                    

Chapter CXLIV: Removing Potential Threats and Helplessness

Sumabog ang dambuhalang bola ng itim na enerhiya, subalit hindi ito direktang tumama sa air ship na sinasakyan nila dahil mayroong barrier na namuo ang sumalo rito. Nakahinga nang maluwag si Duke at ang kaniyang mga tauhan. Akala nila ay katapusan na nila dahil ramdam na ramdam nila na walang balak ang atakeng iyon na sila ay buhayin. Nag-uumapaw iyon sa marahas na enerhiya, at kung direkta silang tinamaan ng atakeng iyon, siguradong hindi iyon kakayanin ng kanilang katawan at kaagad silang babawian ng buhay.

Ganoon man, pinrotektahan sila ng barrier ng sinasakyan nilang air ship kaya hindi sila naapektuhan ng dambuhalang bola ng itim na enerhiya kahit na kaunti. Alam nila kung ano ang hangganan ng tibay ng barrier ng kanilang air ship, at dahil hindi ito nasira o gaanong napinsala ng atake, ibig sabihin ay hindi isang Demigod Rank ang umatake sa kanila.

Agad na nagdilim ang ekspresyon ni Duke matapos niyang makabawi sa nangyari. Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin at ikinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa galit at pagkabahala. Malinaw sa kaniyang ekspresyon na nangangamba siya. Mayroong sumasalakay sa kanila ngayon, at hindi pa niya tukoy kung sino iyon.

“Sino?! Sino'ng pangahas ang sumasalakay sa amin, sa hukbo ng alchemy god?!” nagngingitngit na mga ngiping pasigaw na tanong ni Duke habang hinahanap niya kung nasaan at sino ang umatake sa kanila.

At matapos bigkasin ang huling kataga, napalingon-lingon siya at ang kaniyang mga tauhan sa paligid dahil mayroong tatlong malalaking pigura ang mabilis na lumilipad sa paligid ng kanilang air ship. At nang mamukhaan ni Duke kung sino ang mga ito, tila ba nanghina ang kaniyang tuhod at bahagya siyang napaatras dahil sa matinding takot.

“Ang tatlong dragon ng New Order! Sila ang mga tauhan ni Finn Silva!” bulalas niya.

Tama. Ang umatake sa kanila ay walang iba kung hindi si Eon. Sinunod nito ang utos ni Finn na isama sina Loen at Leonel, pero hindi lang silang tatlo ang naroroon para tapusin ang hukbo nina Duke dahil naroroon din ang dibisyon ng mga soul puppet master.

Natigilan si Duke at ang kaniyang mga kasamahan matapos makitang napaliligiran na sila ng napakaraming miyembro ng New Order. Pinanlamigan ng sobra ang kanilang katawan, at hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin sa kasalukuyan.

Subalit, nagawa pa rin ni Duke na maging mahinahon. Pilit siyang ngumiti at buong lakas siyang sumigaw.

“Bakit ako matatakot sa inyo?! Walang Demigod Rank sa inyong panig kaya imposibleng masira ninyo ang barrier na pumoprotekta sa air ship na aming sinasa--”

SWOOSH! SWOOSH! SWOOSH!

BANG! BANG! BANG!

Sinimulan na nina Eon ang kanilang pag-atake sa air ship. Wala silang pakialam sa sinasabi ni Duke dahil ang tanging gusto lang nilang mangyari ay mapatay ang mga ito para mabawasan ang potensyal na banta sa kanila.

Nagtulong-tulong sila na atakihin ang air ship. Kahit sina Yopoper, Yagar, Belian, Piere, at ang mga soul puppet master ay umaatake na rin kasama ang kanilang mga soul puppet. Nakalilikha sila ng pinsala, subalit hindi sapat ang pinsala na iyon para masira nang tuluyan ang barrier. Kulang pa ang lakas ng kanilang mga atake, at dahil sa pangyayaring ito, isang ideya ang agad na naisip ni Eon.

Wala siyang balak na magpigil dahil malinaw na ang utos sa kaniya ni Finn--kailangan niyang tapusin agad ang mga tauhan ng alchemy god upang makatulong siya sa pakikipaglaban sa Evil Jinn. Kailangang-kailangan siya ngayon ng kaniyang master kaya hindi niya na maaaring gawin ang kaniyang nakasanayan. Hindi siya maaaring makipaglaro sa grupo ni Duke dahil habang tumatagal na wala sila sa pinangyayarihan ng labanan, ang kaniyang master at ang mga miyembro ng New Order ang nahihirapan.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon