Chapter XXVI

5.2K 895 62
                                    

Chapter XXVI: This Will be Bloody

“Humanda kayo. Siguradong gulo ang kanilang sadya sa atin,” sambit ni Finn. Binalingan niya si Yopoper at pinasadahan niya ng tingin ang iba pang miyembro ng ikalawang dibisyon. Kalmado siyang ngumiti sa mga ito at nagpatuloy, “Sila ang mga nakagirian ko sa Creation Palace, at malinaw sa akin na gusto nilang makuha ang aking ulo. Ang pasimuno ng grupong iyan ay ang Bone Demon King na si Hannibal at ang alagad ng kasalukuyang alchemy god, si Deronia. Hindi lang ang mga tauhan nila ang kanilang kasama, nagsama rin sila ng mga taga-divine realm at higit sa lahat, sa nakikita ko, umarkila rin sila ng mga adventurer sa mundong ito.”

“Tandaan ninyo: huwag kayong magdadalawang-isip na gumamit ng Four Guardians Killing Formation. May dalawa sa kanila na nasa Saint Rank habang marami rin silang kasamang Immortal Rank. Sa lakas nila, hindi natin sila kakayanin kung hindi natin gagamitin ang ating mga alas,” dagdag niya.

Dahil sa kaniyang sinabi, mas lalong na-alerto ang ikalawang dibisyon at ang mga Marren. Inihanda nila ang kanilang sarili para sa laban. Hindi nila akalain na malaking problema na pala ang papalapit sa kanila, at sa totoo lang, marami ang nangangamba sa kanila dahil ang kahaharapin nila ay malalakas na Heavely Supreme Rank, mga Immortal Rank, at dalawang Saint Rank.

Tungkol sa kanilang pangkat, bukod kay Finn, tanging sina Yopoper, Yagar, at Piere lang ang nasa 9th Level Heavenly Supreme Rank. Oo nga't marami ang kanilang bilang. Mayroon din silang mga soul puppet na maaaring gamitin sa laban, subalit higit na mataas ang antas at ranggo ng bawat isa sa kanilang mga kalaban.

Ganoon man, nangangamba lang sila, pero hindi sila natatakot. Walang dahilan para matakot sila dahil marami silang alas na maaaring gamitin sa laban. Nagtataglay ang ilan sa kanila ng Four Guardians Killing Formation habang ang iba ay mayroong Mirror of Power. Bukod pa roon, lahat sila ay mayroong Multi-explosive Poisonous Pill.

At kung sakaling dehadong-dehado na talaga sila, nariyan ang Numbing Inscription bilang kanilang huling alas.

“Ang kabuoan nilang bilang ay isandaan at limampu't apat. Walumpu't pito ang nagtataglay ng 9th Level Heavenly Supreme Rank. Apatnapu't isa ang Chaos Immortal Rank, labing siyam ang Supreme Immortal Rank, lima ang Abyssal Immortal Rank, at dalawa ang Chaos Saint Rank,” biglang sambit ni Finn. “Ipaubaya n'yo na sa akin ang dalawang Saint Rank. Ako na ang bahalang makipaglaban sa kanila at ipauubaya ko na sa inyo ang iba.”

“Ang bilang ng ikalawang dibisyon ay nasa pitong daan at tatlumpu't pito. Kayo na ang pinakamahuhusay na bahagi ng dibisyon ng mga soul puppet master. Lamang tayo sa bilang, at nagmamay-ari din ang ilan sa atin ng Four Guardians Killing Formation. Ipapaalala ko lang din na kapag ginamit n'yo na iyon, siguraduhin ninyo na tatapusin n'yo na agad ang inyong kalaban bago pa mawalan ng bisa ang formation,” paalala niya pa.

“Gagawin namin ang lahat para matalo ang mga kalaban, Panginoong Finn,” agad na tugon ni Yopoper.

“Hm. Makakasama n'yo rin sina Seve, Lance, at Matt Marren sa pakikipaglaban. Magtulungan kayo at kung kinakailangan, protektahan ninyo ang mga nangangailangan ng proteksyon habang kayo ay nakikipaglaban,” pahabol na paalala ni Finn.

Tinandaang mabuti ng bawat isa ang mga paalala ni Finn. Hindi nila inalis ang kanilang pagiging alerto. May ilang agad na naglabas ng sandata habang ang karamihan ay hindi nag-atubiling ilabas ang kanilang kakila-kilabot na aura.

Marahil hindi nila matatakot ang kanilang mga kalaban gamit ang kanilang aura, ganoon man, magagawa nilang maipabatid sa mga ito na handa silang makipaglaban at wala silang balak na umatras.

Maipapakita na nila ngayon ang kanilang kagitingan bilang mga soul puppet master ng New Order. Ito na ang kanilang pinakahihintay na pagkakataon kaya sisiguruhin nila na makikilala ang kanilang pangkat. Ipapaalam nila sa sanlibutan na sila, ang mga soul puppet master ng New Order ay makakapangyarihan at dapat na katakutan.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon