Chapter CXLII: Continue!
Nagulantang ang mga tagalabas na pasimpleng nanonood sa mga nangyayari sa lugar na kinaroroonan nina Finn. Buong akala nila ay mamamatay na ito nang tuluyan dahil sa malubhang pinsalang tinamo nito mula sa pasurpresang pag-atake ni Brien, ganoon man, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nagkaroon ng himala nang biglang may kakaibang salamin na lumitaw. Noong una ay nagtaka sila kung ano ang salamin na ito, subalit noong lumikha ito ng sinag na nagpapagaling sa mga pinsala ni Finn, doon na nila natukoy kung ano ang bagay na ito.
Isa pang divine artifact! Mayroon pang isang divine artifact ang lumantad! Higit pa roon, ang divine artifact na ito ay malinaw na pag-aari ni Finn!
Ibig sabihin, si Finn ay mayroon dalawang divine artifact!
Maging ang mga kumakalaban sa Evil Jinn ay sandaling huminto para alamin ang nangyayari, at kung bakit bigla na lamang silang nakaramdam ng napakayamang enerhiya. Nagulat sina Ashe, Tiffanya, at Zelruer sa paglantad ng isa pang divine artifact. Akala nila ay kamangha-mangha na sila dahil nagawa nilang magkaroon ng ganitong kayamanan, subalit hindi nila inakala na si Finn ay nagmamay-ari ng dalawa nito.
Sa kabilang banda, halos mamula sa sobrang inggit ang karamihan sa mga taga-divine realm nang matuklasan nila ang tungkol sa ikalawang divine artifact ni Finn. Hindi sila mapakali dahil sa kasalukuyan, pinangungunahan sila ng kanilang pagkagahaman. Gustong-gusto na nilang sumalakay para agawin ang mga divine artifact nito, ganoon man, nagdadalawang-isip pa rin sila dahil sa mga miyembro ng New Order at sa iba nilang katulad na nagbabalak ng masama laban dito.
Hindi sila maaaring magkamali, ang salamin na kasaluluyang nagpapagaling sa mga pinsala ni Finn ay isa ring divine artifact dahil sa kalidad ng aura nito.
Sobra-sobra na ang mga nangyayari at habang tumatagal, mas lalo silang naiinggit kay Finn dahil sa mga natutuklasan nila tungkol dito.
Isa itong talentadong propesyonal na mahusay sa iba't ibang propesyon; sa alchemy, formation, inscription, pagpapanday, pagluluto, at pagkontrol sa mga soul puppet. Isa rin itong iregularidad dahil nagtataglay siya ng blue-green alchemy flame na dapat ay tanging ang kasalukuyang alchemy god lang ang nagtataglay. Mahusay rin itong adventurer, at nagsasanay ito ng apat na elemento--elemento ng tubig, elemento ng hangin, elemento ng kidlat, at elemento ng apoy. Bukod pa ito sa pagiging water celestial niya, at ngayon, ang natuklasan nilang bago tungkol dito ay mayroon itong pagmamay-aring dalawang divine artifact.
Mayroon pa bang ibang adventurer na maikukumpara kay Finn? Wala. Kahit sa kasaysayan ng sanlibutan, wala silang kilalang maikukumpara rito kaya sino ang hindi maiinggit sa kaniya? Lahat ng tungkol sa kaniya ay kamangha-mangha sa puntong lahat ay mapapaawang na lang ang bibig kapag nalaman nila ang lahat ng tungkol sa mga kaya niyang gawin.
Napakahiwaga ng kaniyang pagkatao. Hindi makabuluhan ang kaniyang talento dahil hindi lang basta balanse ang kaniyang husay sa iba't ibang larangan, talagang mahusay siya sa lahat ng kaniyang mga pinagkakadalubhasaang propesyon. Matataas ang ranggo niya sa mga ito, at napatunayan niya iyon sa nangyaring paligsahan sa Creation Palace.
Higit pa roon, hindi rin maintindihan ng karamihan kung paano nagawa ni Finn na magsanay ng apat na elemento. Dalawang elemento pa lamang ay mahirap nang sanayin. Kahit ang mga kilalang talentado at may malaking potensyal ay nahihirapang magsanay ng dalawang elemento dahil sa magkakasalungat na katangian ng mga ito, pero siya, nagawa niyang mapalakas ang apat niyang elemento at ang tatlo pa sa mga ito ay mayroong napakataas na kalidad.
Sa madaling sabi, sa mata ng lahat, si Finn ay isang adventurer na imposible nang mahigitan ng kahit na sino. Ang kaniyang mga napagtagumpayan ay mahirap nang mapantayan at kapag lumakas pa siya, kapag naabot niya ang Demigod Rank o naging isa siyang emperador, siguradong agad siyang magiging pinakamalakas kahit na napakabata niya pa lamang.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasySynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...