Chapter CXXXVII

6.1K 928 302
                                    

Chapter CXXXVII: Moments Before the Disaster

Dali-daling binuklat ni Keanu ang isang lumang aklat at kaagad niyang pinalipat-lipat ang mga pahina nito. Huminto lang siya sa paglipat sa mga pahina nang makita niya ang kaniyang hinahanap. Napahinga siya ng malalim. Muli siyang tumingala at habang pinagmamasdan niya ang imahe sa itaas, sinusulyapan niya rin ang nakaguhit na larawan sa aklat na kaniyang hawak.

“Iyon nga talaga ang Radiant Shield!” bulalas ni Keanu habang mababakas sa kaniyang mukha ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Napahinga siya ng malalim at taimtim napatanong. “Ang Zelruer na iyon... paano napunta sa kaniya ang pagmamay-aring divine artifact ng Sun God? Saan at paano niya iyon nahanap?”

“At ang balabal na suot ng Tiffanya na iyon... iyon na marahil ang Demonic Mantle ng Demon Goddess! Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na makikita kong muli ang mga divine artifact na dating pagmamay-ari ng mga diyos!” nasabi niya na lang.

Bilang pinuno ng angkan na matagal nang umiiral sa Land of Origins, may kaunting kaalaman si Keanu sa mga makapangyarihang armas ng mga diyos noong unang panahon dahil nakatala iyon sa kanilang kasaysayan. Isinulat ng kanilang mga ninuno ang tungkol sa mga bagay na iyon dahil malaking bahagi iyon ng nakaraan ng Land of Origins.

Ang ilan sa mga divine artifact ay umiiral pa rin hanggang ngayon at kasalukuyang iniingatan ng makakapangyarihang puwersa, indibidwal, o angkan. Tungkol sa karamihan, hindi na alam kung nasaan ang mga iyon, pero may mangilan-ngilan pa ring sumusubok na hanapin ang mga iyon sa bawat sulok ng Land of Origins.

Sinasabing nawasak na ang ibang divine artifact noong kasagsagan ng digmaan, pero may nagsasabi rin namang napunta lang ang mga iyon sa tagong lugar sa Land of Origins. At ngayon, muli nang lumantad ang dalawa sa mga divine artifact na matagal nang hinahanap ng mga taga-divine realm, subalit pag-aari na ng mga tagalabas ang dalawang ito--ang Radiant Shield ng Sun God at ang Demonic Mantle ng Demon Goddess.

“Hindi pabor ang nangyayaring ito kay Finn Silva. Ang kaniyang mga karibal ay may pag-aaring divine artifact habang siya... hindi natin alam kung mayroon siyang pag-aaring divine artifact na maaari niyang magamit para matapatan ang kaniyang mga karibal,” seryosong komento ni Accalia.

Hindi nila mapigilan na mag-alala para kay Finn. Sa lahat ng mga tagalabas ay ito ang kanilang sinusuportahan kaya hangad nila na ito ay magtagumpay at mangibabaw sa lahat. Kaya ang makita na may mga tagalabas na nagtataglay ng divine artifact ay labis nilang ikinababahala. Ganoon man, hindi sila lubusang nawawalan ng pag-asa dahil kumakapit sila sa isang pangyayari na hinihintay nilang maganap.

“Kahit wala siyang divine artifact, may pag-asa pa rin na siya ang makatapos sa huling hamon. Basta tumindi pa ang kagustuhan niyang maging malakas, at kapag nakita iyon ng kalangitan, ibibigay sa kaniya ang kailangan niyang kapangyarihan para matalo ang nilalang na iyan,” seryosong sabi ni Keanu at isinara niya na ang aklat na kaniyang hawak.

--

“Mabuti na lang pala at kinilala ng Hammer of God si Finn Silva. Ako, si Adlaros Garthon, ay natutuwa dahil kahit papaano, hindi niya kailangang mainggit sa kaniyang mga karibal dahil mayroon din siyang sariling divine artifact na magagamit,” nasasabik na sabi ni Adlaros. “At ako, si Adlaros Garthon, ay masayang-masaya dahil mula sa ating puwersa ang Hammer of God. Siguradong sobra-sobra niya tayong pasasalamatan dahil magiging bahagi tayo ng pagtatagumpay niya laban sa kaniyang mga karibal.”

Sobrang nagmamalaki si Adlaros dahil alam niyang hindi nahuhuli si Finn kina Zelruer, Ashe, at Tiffanya o sa iba pang mga tagalabas na nakikipaglaban sa Evil Jinn. Alam niya ang isa sa mga sikretong alas nito dahil sila mismo ang nakasaksi noong tinanggap ito ng isa sa kanilang mga pinaka-iingat-ingatang kayamanan--ang Hammer of God.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon