Chapter LXII

6.3K 900 120
                                    

Chapter LXII: The Root

Napatulala si Finn sa kawalan. Bakas ang hndi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mukha at hindi niya mapigilan na mapailing dahil hindi ito ang resulta na kaniyang inaasahan. Kahit ang kaniyang Myriad World Mirror ay walang magawa laban sa pagtutol ng kalangitan. Isa na itong divine artifact, isang kayamanan na may pambihirang kakayahan, subalit sa pagkakataong ito, hindi pa rin nito nakaya na salungatin ang kalangitan para tulungang makaalis sa lugar na ito ang mga axvian.

Kanina, nang maisip niya ang tungkol sa Myriad World Mirror, buong akala niya ay magagawa niya nang maipuslit ang lahat ng mga axvian palabas sa lugar na ito. Akala niya ay hindi na kailangang magtagumpay ng ritwal at maisip niyang madadaya niya ang kalangitan sa pamamagitan ng pagpapapasok sa mga axvian sa Myriad World Mirror, pero nang makita niya ang kinalabsan ng pagsusubok ni Eulises, napagtanto niyang nagkamali siya.

Hindi magaganap ang naiisip niya dahil masyadong malupit ang kalangitan at disidido na ito na ikulong sa lugar na ito ang mga axvian. Pilit itong tumututol at tatlong beses niya iyong aktuwal na nasaksihan.

At dahil hindi niya magagamit ang Myriad World Mirror para solusyunan ang problema ng mga axvian, binawi niya na ito. Kinontrol niya ito pabalik sa kaniyang katawan at taimtim niyang pinagmasdan ang mga axvian. Pinagtuunan niya ng pansin si Eulises at malumanay na sinabing, “Paumanhin. Wala na akong maisip na paraan para tulungan kayo. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Lahat ng posibleng paraan na alam ko ay sinubukan na natin, subalit tila imposible talaga na maalis ang sumpa sa inyo.”

“Ito ang kapalaran namin, at kung wala ng paraan, wala na kaming magagawa pa kung hindi hintayin na lang ang aming kamatayan sa lugar na ito,” taimtim na tugon ni Eulises. Seryoso niyang tinitigan si Finn sa mga mata nito at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ikaw... hindi ka ba natatakot sa ginawa mo? Ibinunyag mo sa amin na nagtataglay ka ng isang divine artifact. Hayagan mong ipinakita sa amin ang isang kayamanan na kahit ang mga diyos ay nag-aagawan.”

Pilit na ngumiti si Finn. Inaasahan niya nang sasabihin ito ni Eulises dahil sa ginawa niyang paglalantad sa Myriad World Mirror. Ang pag-aari niyang ito ay hindi lang pangkaraniwan dahil kagaya nga ng sinabi ni Eulises, kahit ang mga diyos ay nag-aagawan sa isang divine artifact. At kung kahit ang mga diyos ay nakikipagdigmaan para sa ganitong kayamanan, ano pa kaya ang makakapangyarihang puwersa o indibidwal kapag nalaman nila na nasa kamay niya ang isang divine artifact?

Siguradong magkakandarapa sila at susubukan nilang gumawa ng paraan para makuha ang divine artifact niya. Oo, mayroon ding divine artifact ang ibang adventurer kagaya na lang ni Ashe na pagmamay-ari ang Heavenly Flame na dating pagmamay-ari ng mga fire phoenix ng Land of Origins, subalit hindi pa sinusubukan ng iba na ito ay puntiryahin dahil nasa tabi nito sina Ranaya at Fahra para pumrotekta. Hindi madaling puntiryahin ang mga fire phoenix, lalo na ang mga fire phoenix na nasa Demigod Rank.

Tungkol kay Finn, siya ang pinakamadaling puntiryahin dahil sa kasalukuyan, wala siyang Demigod Rank sa kaniyang tabi na poprotekta sa kaniya. Ito ang pinaka inaalala niya kaya hanggang ngayon, itinatago niya pa rin ang kaniyang mga divine artifact. Ilalabas niya lang ito kung talagang kinakailangan, at hayagan niyang ipapaalam sa buong sanlibutan na mayroon siyang mga divine artifact kapag kaya niya nang protektahan ang mga ito, kapag naabot niya na rin ang Demigod Rank.

Habang si Finn ay kalmado lang sa mga sinabi ni Eulises, si Kiden na nasa kaniyang tabi ay agad na naalerto. Naghanda ito para kung sakali mang mayroong sumugod na axvian, makagagawa agad siya ng paraan para protekhan ang kaniyang pinuno. Hindi siya natatakot kahit na napaliligiran sila ng malalakas na adventurer. Buo na ang loob niya at hindi siya nangangambang mamatay basta alam niyang namatay siyang pinoprotektahan niya si Finn, ang haligi ng New Order.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon