(MHMP) CHAPTER 13

2.4K 47 0
                                    

continue 13

Nagtama ang paningin namin ni Kian ng makita nya ko.

"Sofia! My princess, you're here!" pagbati sakin ni daddy.

"Good morning daddy" I kissed him on the cheeks at inabot ko sa kanya yung towel.

"Good morning too. Thank you for this anak. Papasok na ko at magpapalit ng damit para makapag agahan na tayo. Sumunod na lang
kayo" sabi ni Daddy bago pumasok sa loob ng bahay.

Great just great. Iniwan mo na naman ako sa dragon na ito

"Good morning! Towel?" I asked him sabay lahad ng tuwalya sa harap nya. Tumingin muna sya sakin ng maigi tsaka kinuha yun sa kamay
ko. Buti naman kinuha nya. Akala ko pati yun tatanggihan nya. Bakit kaya ang gwapo pa din nya kahit na pawis na pawis? At take note!Mabango pa din!

Stop it Sofia! Masyado mo ng pinagnanasaan ang sarili mong asawa. Makasalanan kang nilalang!

"You're late again" seryoso nyang sabi.

"Sorry. Medyo mabagal talaga akong kumilos pero you see, I made it so there's no reason to be mad." pag i explain ko. Pano ba naman ako
hindi babagal kumilos kung ang katotohanan ay wala pa talaga akong tulog. Para akong zombie. Simula ata nung ikasal kami wala na
kong matiwasay na tulog.

"Whatever. Just make sure na hindi ka mahuhuli sa klase. And also make sure that no one will ever know about our marriage especially in school."

"And why?" nagulat din ako sa tanong ko.

"You don't need to know" tumalikod na sya at dumiretso ng pasok sa bahay. Naiwan naman ako dito, nakatulala na naman.

Bakit ba ganyan yang si Kian? I can never explain him. Masyado syang mysterious or baka dahil sa hindi ko lang sya kilala talaga.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Althea na hintayin nya na lang ako sa main gate para sabay na kaming pumasok. Nag stay muna ko saglit sa backyard. Nakakamiss maging bata!
Walang problema at walang heart aches!

Pumasok lang ako ng tinawag na ko ng yaya namin para mag agahan na.

Umupo ako sa tabi ni Kian. Bakit ba? Ka- careerin ko na to. Minsan na nga lang kamimagsabay kumain. Lulubus lubusin ko na.

"Pumapayat ka ata Sofia" pagpuna ni daddy habang nasa gitna kami ng pagkain.

"Po? Hindi naman! Baka masyado lang maluwag itong uniform ko dad! papa adjust ko pa kasi to. Lagi ko na lang yun nakakalimutan!" pagdadahilan ko pero ang totoo napapansin ko nga na pumapayat ako since last summer, simula ng di mag uuwi si Kian sa bahay. Masyado akong affected pag wala sya. He's like my whole system.

"Baka naman pinababayaan mo Kian itong si Sofia namin, alam ko naman na hindi ka talaga sang ayon sa pagpapakasal nyong dalawa pero sana wag mo syang pababayaan at
wag ka din sanang mambababae hanggat nasa apelyido mo pa sya"

"Daddy!" suway ko kay daddy. Tiningnan ko si Kian. I can see uneasiness in his face. Naku talaga dad lagot ka sakin kapag pinag initan na naman ako nitong si kian.

"Don't worry dad. Inaalagaan ko naman si Sofia. right Fia?" nagulat ako sa tinawag nya sakin. Maka Fia naman sya akala mo naman super close kami e halos lamunin nya ko ng buhay kapag nagagalit sya. Tiningnan ako ni Kian na para bang sinasabing sumang ayon ako kung hindi maaga akong mamamatay.

"Hahahaha" I faked a laugh. "Ano ka ba naman daddy. Inaalagaan naman ako ni Kian. Suuuupppperrrr bait nga nyan sakin kaya don't worry" pasalamat ka Reyes at mahal kita kaya nililigtas kita sa daddy ko. Iba kasi magalit si Daddy at isa pa ayoko ng mag alala sila ni mommy since pupunta sila ng US dahil kailangan ng magpagamot ni Dad dahil may sakit sya sa puso.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon