CHAPTER 46

1.8K 23 1
                                    

Pagkatapos ng PE ay nagdiretso na kami ni althea sa shower room para makapaglinis.

"Ano ba sofia, lunch break na o' ang tagal mo maligo" sabi ni althea habang kumakatok.

"Tsk. Ito na nga nagmamadali na nga" sagot ko.

"Aish. Pano ba yan nagtext na sakin si Josh. Nasa cafeteria na daw sya.
Una na ko. See you na lang sa next class" sabi nya.

"Whatever" yun na lang ang sinagot ko at narinig ko na ang yabag nya palabas. Hayys. Pinagpalit ang bestfriend sa boyfriend. Hahaha. Pasalamat sya hindi pa kami okay ni kian kundi isnab din sya sakin hahaha. Joke lang! Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na ko ng normal uniform. At lumabas na ng shower
room.

"Oh My!" sigaw ko ng biglang sumulpot sa harap ko si "Ma'am Ella, ano pong ginagawa nyo dyan. Nagulat ako" sabi ko. Nag smile sya.

"Ay sorry! Kanina pa kaso talaga kita inaantay, ang tagal mo pa lang maligo, ikaw pinakahuling lumabas e" sabi nya.

"Ay haha. Oo nga po. Pasensya na po pero bakit nyo nga po pala ako hinihintay?" tanong ko.

"Yayayain sana kitang mag lunch. Pa thank you na din sa ginawa mo kanina" sabi nito.

"Naku ma'am! Okay lang po yun. Duty ko po yun e" sabi ko.

"I won't take no for an answer. So tara na, isa pa wala din akong kaibigan o ka close dito sa school. Kaya tara na. What's your name?"

"Si ma'am talaga mapagbiro, nakikipag close ka tas di mo pala ako kilala haha, I'm Sofia nicole fernandez . Fia na lang" sabi ko.

"Well nice meeting you Sofia, but I am hungry now" sabi nya sabay hatak sakin. Hahaha. Parang isip bata din pala itong teacher namin.
Pakiramdam ko magkakasundo kami ng husto. Kakatapos lang namin kumain, hindi kami sa
cafeteria kumain kundi sa isa sa mga fast food chain dito sa labas.

"Grabe ang sarap talaga ng pagkain dito" sabi ni Ma'am Ella, habang kumakain ng sundae.

"Oo nga e, thank you nga po pala sa libre ma'am" sabi ko.

Kyaaah ang ganda ganda nya na ang bait bait nya pa.

"Wala yun, atsaka wag mo na kong i-po at i-ma'am kung tayo lang dalawa. Ella na lang, and Fia, you are not just my student but also my friend" sabi nya.

"Ay haha! Sige na nga" sabi ko tas kinain ko yung natitira ko pang french fries. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Feeling ko close na close na nga kami dahil sa dami
naming napag usapan. Tiningnan ko yung relo ko. 20 minutes na lang
pala magsisimula na next class ko. Mabuti walking distance lang to.

"Okay, before we go. Let me ask you this question" sabi ni Ella sakin kaya nag nod ako.

"May boyfriend ka ba?" Napa stop ako sa tanong nya pero maya maya
ay umiling ako.

"Wala" sagot ko.

Well, totoo naman ang sinasabi ko. Wala naman talaga, dahil asawa ang meron ako.

"Seriously, sa ganda mong yan! Bulag ba ang mga lalaki sa campus or mataas ang standards mo?"

"Hahaha. Ewan" yun na lang ang sinagot ko. Well actually, medyo mataas nga yata ang standards ko at isang Mark kian lang ang pumasa.

"Ikaw, how about you? May boyfriend ka?"

"Yup!" sagot nito. Nakita ko pang nagningning ang mata nya.

Buti pa sya. Mukhang masaya ang lovelife nya.

"3 years na kami and I am so happy with him. So is he, sobrang caring at sweet nya. At idagdag mo pa na gwapo sya. Pakiramdam ko nga, malapit na mag propose sakin yun. Mahal na mahal kasi ako nun. Tagal din akong niligawan nun nung college kami" sabi nya.

"Wow lucky girl, hahaha. O sya, as much as I want to know this guy, e male late na tayo parehas" sabi ko.

Totoo naman. Sya magtuturo
pa, ako mag aaral hahaha.

"Ay oo nga, let's go!" sabi nya. She even held my hand habang naglalakad. Ang swerte nya sa boyfriend nya. Sana ganun din si kian sakin. Ugh naalala ko na naman
yung masungit na yun. Nawala naman yung lungkot ko dahil nagsu
sway sway pa ang magkahawak na kamay namin ni Ella. Para syang bata.

It looks like magkakaroon na naman ako ng bestfriend. I am so happy to meet Ella. She's so kind. She's a wonderful person.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon