I sighed. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinagmasdan ang dinadaanan namin.
Nagulat ako ng hawakan ni kian ang kamay ko.Pilit ko yung hinahatak pero ang lakas nya.
"Nana-nanching ka ba ha?" sabi ko sa kanya.
"Is it still called chansing when I am just holding the hand of the woman I love specifically my wife"
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nya buti na lang may tugtog dito sa sasakyan dahil natatakot ako na marinig nya ito.
"Tse! Bitawan mo na nga ako" sabi ko sa galit na tono. I am doing my best kahit pa gustong gusto kong hawak nya ang kamay ko.
5 years had passed pero para pa rin akong nakukuryente.Tumingin sya sakin at ngumiti.
"I thought you like me holding your hand while driving?" sabi nito
"Focus on the road kian! Ano ka ba? Wala pa kong balak mamatay" singhal ko sa kanya at ibinalik nya na ang tingin nya sa daan yet di nya pa din binibitawan ang kamay ko.
"Dati ko yun gusto noong mahal pa kita" sabi ko at nag iwas ng tingin.
"Bakit, hindi na ba?" mayabang nyang tanong.
Simple lang ang tanong nya. Oo o hindi lang ang sagot pero hindi ako makasagot.Punyemas.
"Leche ka. Wag mo na kong kausapin.Matutulog na lang ako" sabi ko.Narinig kong tumawa sya kaya tiningnan ko sya.
Aba, nahihilig sa pagtawa at paghalakhak tong isang to ah. Anong nangyari sa laging nakasimangot at poker face na kian?
Hindi na ko nag bother magtanong pa at sinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana hanggang hatakin na ko ng antok.
"Hey sleepyhead, wake up" nagdilat ako ng mata dahil narinig ko ang boses ni kian nakita ko syang malapit lang ang mukha sakin
at nakangiti."I-Ilayo mo nga yang mukha mo kian" sabi ko.
Ngumiti lang sya at tinulungan akong magtanggal ng seatbelt ko.
Nakita kong nagbababaan na ang mga empleyado ko mula sa bus nila kaya lumabas na kami ni kian.
Pagkababa namin ni kian ay binigyan ako ng mapanuring tingin ni althea.
Yep nandito si althea at Josh. Pag aari kasi nila Althea tong hotel na tutuluyan namin.
Nakita kong nag apir si kian at Josh. Kelan pa naging sobrang close tong dalawang to?
Tumabi ako kay althea. Apat kaming nasa harap nila.
"Good morning everyone" maganang bati ni althea
"Good morning" mas masiglang bati ng mga empleyado ko na mukhang excited na excited na.
"I am althea, I own this hotel--
"And she's married" pagduduktong ni Josh kaya nagtawanan kami. Masyado namang possessive.
"Yeah, I am. So I'll be your guide. Sa whole stay nyo dito ay madami tayong gagawing activity but before that, breakfast is ready na sa loob so kumain muna tayo bago ibigay ang
assigned room sa inyo""Yehey! Yehey! Pagkain" paulit na ulit na chant ng empleyado ko habang papasok. Natawa naman kami sa kakulitan nila.
Naglakad na din papasok ng magkasabay si Josh at kian. Nagpahuli naman kami ni thea.
"Ano yan ha? Bakit nandito si kian? Bat magkasam kayo?" sunud sunod na tanong ni thea habang kinukurot ako ng mahina sa braso.
"Ano ka ba? Di ko expected na pupunta yan, atsaka puno na bus kanina kaya sa kanya na ko nakisabay" sagot ko.