CHAPTER 64

1.8K 25 1
                                    


Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil nasa sitwasyon akong wala akong magawa. I can't bear to lose Kian lalo na ngayong magkaka baby na kami.

Ang tanga ko diba? Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya yet umaasa ako na tatanggapin nya to at magiging masaya kaming pamilya.

Umaasa na naman ba ako?

Naglakad ako, I texted althea to meet me in the locker area.

Mabilis akong naglakad papunta sa locker area dahil nandun na si althea. Papalapit pa lang ako ng matanaw ko sya. Buti naman mag isa sya at walang kasama.

"Fia, may problema ba?" salubong na tanong nya sakin. Mababakas mo yung pag aalala sa mukha nya.

"Wala naman" sagot ko.

"O' bakit mo ko pinatawag dito?" tanong nya sakin.

"May importante akong sasabihin sayo" Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko mommy ko si Althea e. Speaking of mommy, hindi ko pa din nasasabi sa parents ko ang kalagayan ko dahil malamang pag sinabi kong buntis ako e di
nakarating na agad kay Kian yun.

"Speak up" sabi ni althea na naka serious face.

"I'm pregnant"

"You're what? OMG! Are you being serious now? Buntis ka? How? When?" sunod sunod ang naging tanong nya.

"Anong how? 8 weeks na sya. Remember nung umalis kami ni kian?" sagot ko.

Sinandal ko ang balikat ko sa locker room. Ang bilis kong mangalay.

"Totoo nga! Alam na ni Kia.?" umiling ako kaya nakaramdam ako ng mahinang hampas mula sa kanya.

"Bakit hindi nya alam?! May
balak ka bang sabihin sa kanya? Bakit di mo sinabi?"

"Ella" simple kong sagot sa kanya.

"Tsk. Sabi ko na sayo kaya hindi ko bet yang Ms. Alcantara na yan e. Nara radar ko na e. Kita mo na kaagaw mo pala kay kian"

"Nauna sya sakin"

"Pero ikaw ang asawa at ngayon, magkakaanak na kayo. Dapat malaman ni kian yun" nakita ko yung inis sa mukha nya.

"Sa tingin mo ba sasaya ako at ang baby kapag nalaman namin na kaya lang ako pinili ni kian is because may anak kami. Gusto ko piliin nya ko as me. Bilang asawa nya. I wanna
fight Ella fair and square. Actually, I don't wanna hurt her"

Nakaramdam naman ako ng tuktok sa ulo mula sa kanya. Mapanakit tong bestfriend ko e.

"You don't wanna hurt her kaya okay na ikaw masaktan? Nasan na ba ang martyr award at ng maibigay ko na sayo. Fia, hindi uubra yang
sobra kang bait. Isipin mo naman yung baby mo"

"I know, Iniisip ko sya kaya nga hindi ako nagpapadalos dalos sa desisyon. Ayokong lumaki sya sa broken family pero mas ayokong
lumaki sya sa buong pamilya nga pero hindi naman masaya. Isa pa, alam ko kung gano kamahal ni kian si Ella. Ako naman talaga ang kontrabida dito"

Tumulo ang luha ko ng maaalala ko yung mga naging sagot nya sakin kahapon. Ano bang meron si Ella na wala ako? Hahampasin dapat nya ko pero tumigil sya.

"Naku! Pasalamat ka! Hahampasin sana kita kung hindi ka lang buntis e" magsasalita na dapat ako ng

"Sinong buntis?" I froze when I heard his voice.

He is not supposed to hear that, ako dapat ang magsasabi sa kanya. Hindi pa din ako humaharap sa kanya at kay althea lang ako
nakatingin. Nakita ko ang shocked face ni althea.

"A-are y-you F-fia? Are you pregnant?" his voice is trembling.
I looked at him.

"kenz" I only managed to say his name because devastation is written all over his face.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon