Chapter 26
Nakasalamin sya ngayon na nakadagdag sa ma awtoridad na itsura nya.
Nakita ko namang kinikilig ang mga mean girls sa tabi, malamang, gwapong gwapo na naman sila kay
Kian."Yes sir!" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko.
"Good" sagot ni Kian, tumingin sya sakin pero nag iwas na ko ng tingin. Ayoko nga no! Alam nyo bang masyadong pa fall ang mga
mata ni kian? Ang lakas makapogi ng
tantalizing eyes nya kaya wag na lang.I looked at my test, Nakikinig naman ako ng maayos sa kanya, kaya
kayang-kaya kong sagutan ito, pero sa totoo lang kung average student ka lang, mahihirapan ka talaga dito, tiningnan ko ang mga classmates ko, nakita kong panay ang pagkamot nila ng mga ulo nila.Pasimple kong pinasak sa tenga ko ang isang earphone. Nakinig na lang ako ng tugtog ng paramore.
Sinulat ko ang pangalan ko doon sa test paper.
Sofia Nicole Fernandez
Kailan ko kaya maiduduktong ang Reyes sa pangalan ko? Parang napaka imposible na nun.Maya maya kinolekta nya na ang mga papel at nagsimula ng mag check.
"Okay who got 75-100 score?" tanong ni Kian, na nakatayo na sa harapan ngayon.
Halos kalahati ng mga classmate ko ang tumayo para magpasa. Inisa isa nyang sabihin ang mga pangalan nung nakakuha ng score na 75-100.
Nakakuha si Althea ng 85. Ang laki ng
ngiti ng gaga, palibhasa nakapasa.Nakita ko namang nangungunot ang noo ni Kian, marahil ay dahil sa hindi pa nababanggit ang pangalan ko.
Nasanay siguro syang outstanding ako sa class nya.
"50-74?" tanong nya ulit at may nagbigayan ulit. The same sasabihin nya naman name.
"25-49"
"0-24?" tumayo yung classmate ko, tanging sya lang last paper na yata.
"Fernandez-5" sabi ni Kian.
"OMG. Lowest si Sofia?" sabi ni Gail
"Buti nga sa kanya, akala ko pa naman matalino, bobo pala" Venus.
"Too bad, running for cum laude tas ganyan score" Athena.
Nakarinig pa ko ng ilan pang harsh comment at yung iba nagtataka why I failed it.
I looked at Althea, I can see how worried she is for me but I just smiled on her to show that I'm okay.
Okay lang naman talaga ako, sinadya kong i fail ang exam. Yung first 5 questions lang ang sinagutan ko the rest ipinagsa walang bahala
ko na lang.I took a glimpse at Kian, he was looking intently to me. I can't read his emotions.
Lagi naman e. Nung nag bell, mabilis akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Since Philosophy ang last subject namin kaya uwian na.
Narinig kong tinatawag ako ni Althea pero in-ignore ko na lang sya.
Gustong gusto ko ng umuwi, gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko at magpahinga.
Pakiramdam ko malapit na kong sumabog.
Pagkasakay ko sa kotse ko, nakita kong tumatawag si Althea. But I declined it, I just texted her that I'm fine, and I just wanna go home.
Within an hour ay nakauwi na ko pero nagulat ako ng pagka park ko ay sumunod na pumasok ang kotse ni Kian.
Nagmamadali akong pumasok sa bahay at paakyat na sana ako ng hatakin ako ni Kian sa braso.
Pumiglas ako at humarap sa kanya.
"Ano bang problema mo? Pwede ba pagod ako Kian, wag ngayon" tatalikod na sana ako kaso hinarap nya ulit ako sa kanya.
"Why did you fucking fail my examination?" nakita ko ang inis sa mata nya.
"What's wrong with that? First time ba na may bumagsak na estudyante sa exam mo? atsaka masama bang bumagsak e hindi ko alam ang
sagot e""Stop lying Sofian, I know you! Sinadya mong ibagsak yun, you left the rest unanswered.
So why? You must have a good reason"
"Kailangan may reason talaga? Hindi ba pwedeng bumagsak lang kasi mahirap exam mo.
Stop pretending that you know me, cause you never had time to do that! So please just let me take a rest"
"Wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita! I'm asking you, so answer me!" sabi nya.
Napakalas na ng boses naming dalawa. Even Yaya Minda has no guts to stop us kaya nagtungo na lamang ito sa kusina.
"You want an answer? Fine! Ibagsak mo na ko sa subject mo! Or if ayaw mo magda drop out na lang ako"
"What? Why?" nakita ko ang confusion sa mata nya.
"I will just transfer to another university, ayoko ng makita ka pa.
Madalas na nga tayong magtalo sa bahay, hanggang eskwelahan pa
naman ba? Tama na Kiam! Ayoko na
nakakapagod na ding magpakatanga sayo. Just fail me or I'll drop your damn subject""No. You can't and I won't. Tandaan mo Sofia, hanggang asawa kita, hanggang nasa apelyido kita.
Wala kang karapatan na gumawa ng
desisyon mag isa. You are my wife, and you are damn mine so don't go around doing the things you want to do without my consent!"Napagitla ako sa sinabi nya, nakikita kong galit na galit sya pero maski ako ganun na din.
"WOW! Asawa mo pala ako. Pag aari mo pala ako ano? So ganun, pag ako ikaw ang masusunod. Pero pagdating sayo bawal kitang pakielaman. Anong klaseng pagsasama ba to Kian!"
"You initiate this freakin marriage, I didn't! This is the consequences of your action!"
"What consequences? consequence for loving you? Consequence for wanting to be with you for the rest of my life? Ganun ba talaga kasamang mahalin ka?" hindi ko napigilan at may tumulong luha na. Nakatulala lang si Kian sakin, he's too shock.
"Pagod na pagod na ko Kian, at konting konti na lang malapit na kong sumuko, diba yun naman ang gusto mo?"
"Sofia—
"Tao din ako Kian, at may limitasyon ako sa pagtitiis. At malapit na malapit na yun"
pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko sya at dali daling umakyat na sa kwarto ko.
Sumandal ako sa pinto dahil pakiramdam ko tutumba ako.
Hindi ko alam na hahantong pala ako sa puntong gusto ko ng sumuko pero lintek na pusong ito, nakita ko lang na nag soft ang emotion ni Kian nung umiiyak ako, nag assume na naman.
Pakiramdam na naman nyamay pag asa pa.
May pag asa pa kayang maayos ang pagiging mag asawa namin ni kian bago pa ko tuluyang sumuko.
Mamahalin din kaya ako ng asawa ko?