118

1.5K 13 3
                                    


"kenz!" tawag ko sa kanya pero dali-dali syang lumabas.

Sinilip ko si klea sa kwarto nya at nakitang mahimbing na itong natutulog. Dali-dali akong lumabas ng unit ko at nagtungo sa sasakyan
ko.Paulit ulit kong tinatawagan si kenz ngunit hindi ito sumasagot. Tsk. Bahala na nga.Hinanap ko ang location nya thru GPS at nalaman kong nasa paborito nya itong bar
kaya dali dali akong nagtungo doon.

Ayoko ng ganito, ayokong magtalo kami. I feel so guilty about that kiss dahil sobrang nagalit si kenz dito.

Pinark ko ang kotse at lumabas na. Napatapik ako sa noo dahil hindi pala ako nakapagpalit ng damit at naka shorts at off shoulder pa din
ako. Bahala na nga, nandito naman si kenz.

I was greeted by the bouncer of this bar dahil pag aari ni Josh ito. Malamang makarating kay kian na nag bar ako.But who cares about kian? Ano ka ba naman sofia, sya ng ang reason bakit galit at hinahanap mo ngayon dito si kenz.

Pumasok na ko sa loob. Masyadong maingay dahil napakaraming tao. Nahihirapan tuloy akong hanapin si kenz.Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin.

"Hi miss, ang sexy mo naman" sabi nito. Agad agad ko namang inalis ang pagkakayakap nya sakin at tinulak sya ng malakas.

"Bastos! Lumayas ka nga sa harapan ko!" sigaw ko dito.

"Playing hard to get huh?" nagulat ako ng hawakan nya ko sa braso at pilit na hinatak palapit sa kanya.

Once again, tinulak ko sya at binigyan ng malakas na sampal.

"Gago ka pala e, pumili ka ng babastusin mo ah!" inis na inis na ko dahil sa kamanyakan ng hayop na to.Lalapit pa sana sya kaso humarang na ang mga bouncer sa kanya.

"Ma'am sofia, pasensya na po. Ilalabas na po namin sya" pagpapaumanhin sakin nung
bouncer. Tumango na lang ako.

"Wait. Where are you taking me?! I'm a customer!" rinig kong sigaw nung hinayupak na yun.Naku talaga kenz pag nahanap kita at nagka ayos tayo, babatukan kita ng malakas dahil
nabastos lang naman ako. That's why I hate going to places like this.

Nag ikot-ikot pa ko pero hindi ko makita si kenz. Nasaan kaya yun? It clearly says sa GPS nya na nandito sya.Dahil pakiramdam ko ay dumikit sa balikit at braso ko yung amoy ng manyak na yun ay napagdesisyunan kong mag restroom.

Pagpasok ko pa lang ng restroom ay nakarinig na ko ng parang ungol pero pinagwalang bahala ko dahil baka may nagme make out sa
isang cubicle. Dali dali na kong nagpunta sa wash area na may salamin at dahil sa salamin ay makikita mo yung mga pinto ng cubicle.Mabilis kong hinugasan ang braso ko. Napansin kong may pasa pala ito dahil sa sobrang higpit
ng pagkakahawak sakin.Nagulat ako ng bumukas ang isang cubicle at
mula doon ay may lumabas na naghahalikan.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino yung kahalikan nung babae.

"kenz" hindi ko napigilan ang pagtawag ko sa kanya. Nanginginig ako dahil pakiramdam ko ay iiyak na ko.Mabilis naman na humiwalay si kenz dun sa babae at tarantang napatingin sakin.

"Sof-"

Hindi ko na sya hinintay makapagsalita at dali dali na kong lumabas ng restroom. Hindi ko
napigilan at tumulo na ang luha ko. Ilang tao na ang nabangga ko pero wala akong pakielam hanggang makalabas ako ng bar na iyon.
Ilang beses pa ba akong may makikitang ganoong eksena. Palagi na lang akong biktima.Akala ko hindi magagawa sakin ni kenz yun but look what happened.Pinamumukha ba sakin ng tadhana na wag na
kong magtiwala sa kahit na sinong lalaki dyan dahil pare parehas lang sila?

Nagulat ako ng higitan ni kenz ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Sht sofia, don't cry" sabi nya pero hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya.Pinunasan ko ang luha ko.

"Why kenz? Why did you do this? Gumaganti ka ba?"

"No sofia, let me explain"

"Save it dahil kahit anong i explain mo hindi magiging reasonable yung nakita ko kanina"pinunasan ko ang luhang patuloy pa din ang pag agos mula saking mata.

"Sorry fia, nasaktan lang ako at nagalit"

"So ganun? Pag nasaktan ka, saktan mo din?Tinanggap ko na nga yung thought na pinapasundan mo ko, aminado naman akong may kasalanan ako kaya nga hinanap kita para magka ayos tayo, nabastos pa ko dahil sa pagpunta ko sa ganitong klaseng lugar, tas yun ang maaabutan ko?"

"What? Sinong nambastos sayo?"

"I never thought na kaya mong gawin sakin to,akala ko pa naman ikaw yung huling taong kayang saktan ako, kaya kahit ang hirap hirap, patuloy kitang pinipili cause I think you deserve it. But as I can see now, I was mistaken. Ayoko na kenz. Tapos na tayo"

"Fia"

"Wala ka ring pinagkaiba sa kinakaayawan mong tao, parehas lang kayo ni kian" sabi ko bago sumakay sa kotse ko at pinaandar yun.

Iyak lang ako ng iyak habang nagmamaneho.

Why do men cheat?
Why?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon