139

1.4K 14 0
                                    


Sofia's POV.

"Gina, paki notify na lang si kian na
maaga akong uuwi ngayon ulit" sabi ko sa sekretarya ko.

After kasi ng annual ball which happened last week, I felt as if kian is avoiding me. Kahit sa board meeting ay naka poker face lang sya. He doesn't say anything or smile at me and I know it's my fault. I pushed him again and again. Sino bang
hindi mapapagod sa ginagawa ko?

"Sige ma'am" sagot ni Gina.

Pero hindi si kian ang problema ko
ngayon. It's klea, maglilimang araw
na syang nilalagnat. Mawawala tas babalik. Ayaw nyang magpadala ng ospital dahil natatakot sya. Sanay kasi sya na ang family doctor lang namin ang gumagamot sa kanya. But unfortunately ay nag out of
town vacation si Dra. Victorio with her husband Dr. Rick.Napatingin ako sa lumabas sa elevator at si kian yun. Nakapamulsa sya.

"kian uuwi ako ng maaga ngayon, may emergency. Pag may ipagbibilin ka sabihin mo na lang kay Gina, sya ng bahalang magsabi sakin" sabi ko dito.

Huminto ito sa harap ko at binigyan ako ng bored look.Yung puso ko halos lumabas na sa lakas
ng kabog nito.Jusko, malapit pa lang sya sakin, ganito na ang epekto sakin.

"Do whatever you want sofia, as if you are considering me in all of your
decisions" sabi nya bago ako nilagpasan at magtungo sa opisina nya. He's like that I told you.
Nasaktan ako sa sinabi nya but I can't blame him. He will not understand me.I bit my lip to stop myself from crying.Sumakay na ko ng elevator para makauwi na.

Focus sofia. Wag kang maging emotional.May sakit ang anak mo. Think! She need you.Huminga ako ng malalim at thankfully hindi tumuloy ang luha ko.

Mabilis akong nakauwi dahil hindi naman kalayuan ang opisina na namin sa condo ko.Papasok pa lang ako sa condo ay nakita kong karga ni kenz ang walang malay na si klea.

"A-anong nangyari?" sabi ko, nanginginig kong hinawakan si klea.

"Ang taas ng lagnat nya kenz!"

Hindi nagsasalita si kenz batid ko din na natataranta sya. Mabilis itong naglakad habang buhat ang anak ko patungong parking lot. Binigay nya sakin ang inaapoy ng lagnat na anak ko dahil sya ang magda drive.
Sumakay kami ni Wendy sa back seat.

"Dadalhin na natin sya sa ospital. Seryoso na ang kondiyon nya sofia" sabi ni kenz na nagsisimula ng magmaneho.

Sunud sunod lang ang ginawa kong
pagtango dahil nagpa panic na ko.
Pakiramdam ko ay maiiyak ako, natatakot ako sobra para sa anak ko. Sabi ko na nga ba dapat pinilit ko na syang dalhin sa ospital.

"Ate, dumugo na ang ilong ni klea at
nagsuka na sya. Ang taas din ng lagnat nya nasa 40° na ate" naiiyak na sabi ni Wendy.

Lord please, pagalingin mo ang anak ko.Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa kanya.Habang nasa biyahe ay panay ang pagdarasal ko.

Mabilis naman kaming nakarating sa
ospital. Inihiga agad sa stretcher si
klea at ipinasok na sa emergency
room. Tahimik kaming nakaupong tatlo sa bench sa labas ng ER.

"She will be fine. Wag kang umiyak.
Tatagan mo ang loob mo Fia" nagulat ako ng akbayan ako ni kenz at hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko.Pinunasan ko iyon. Of all times dapat ngayon ako maging matatag.

"I hope she will" sagot ko dito.

Halos isang oras na din ang lumipas ng may lumabas na doktor mula sa ER.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon