Chapter 29
Sofia pov.
Minulat ko ang mata ko dahil may tumutunog na alarm clock sa tabi ko. Dinilat ko ang mata ko at pinatay yun. Kelan pa ko nagkaroon ng alarm clock? Tiningnan ko ang oras. Fvck! 7am pa lang 9:30 pa ang class ko. Nasapo ang ulo ko dahil biglang kumirot iyon. At dahan-dahan ng nag sink in sakin ang lahat.Wala ako sa kwarto ko, tumingin ako sa paligid at doon ko na nakita ang naka crossed arms na si Kian.
"Morning, it's look like na may hangover ka pa" seryoso nyang sabi.
Ganun ba ko kalasing kagabi? Pano ako nakauwi? At bakit nasa kwarto ako ni Kian?
"Ouch" naramdaman ko na naman ang pagkirot ng ulo ko.
"Drink the medicine beside you, it'll help, pagkatapos bumaba ka. Sa baba na tayo mag usap" pagkasabi nya nun ay bumaba na sya.
Kahit masakit ang ulo ko, grabe ang gwapo pala ng asawa ko pag umaga. Nakapang jogging kasi syang outfit at bakat na bakat ang abs nito, grabe parang mas masarap pa ata
syang almusalin.Tsk! Sofia! Bad! Bad!
Nilingon ko ang side table at may gamot nga at tubig doon, ininom ko naman yun. Nanatili pa ko ng ilang saglit sa kwarto nya dahil una, first
time kong makatulog dito. Grabe ang bango bango at ang linis, yung scent nya nasa unan pa nya. Pangalawa, masakit pa talaga ang ulo ko pero mukhang effective yung gamot dahil medyo nai ease na ang pain, at pangatlo, alam ko na once na bumaba ako, I'm going to war
and Hitler is my enemy.Nung maramdaman kong okay-okay na ko. Bumaba na ko.
"Good morning Ma'am Sofia, sa dining room na po kayo dumiretso naghihintay na si Sir" sabi ni Yaya Minda.
Pumunta na ko sa dining room, nakita kong kumakain na si Kian. Nung nakita kong bacon, hotdog, egg, at yang chow rice ang pagkain. Kumulo ang sikmura ko, grabe takam na takam ako.
Umupo na ako at kumuha na ng pagkain. Nakakadalawang subo pa lang ako ng magsalita na si Kian.
"Do you know what time did you got home last night?"
Umiling ako, nagi guilty ako pero kasalanan nya din naman bat ako uminom ah!
"Tsk, oo na naparami kasi ang nainom ko"
"At bakit mo naman naisipang uminom?"
"It's because of you!"
"At ako pa ang sinisi mo?" nakakunot nyang sabi.
"You forgot it's my birthday yesterday, you even ignored me when I sprained my ankle" I gave him a sad look.Napalunok naman sya. Mahabang katahimikan.
"I didn't forgot about your birthday, kagabi kung umuwi ka lang sana ng maaga e di sana nakapag celebrate tayo nila yaya minda. I bought a cake at ilang handa for you, na nasa ref ngayon. At for your information, I treated your foot" pagkasabi nya nun ay tumayo na sya. At ako naiwan naman akong nakatulala.
Napasilip naman ako sa paa ko, at nagulat ako ng makitang may benda yun. Hala! Bakit di ko napansin yun?
Dahil kasi naka pajama na ko? Wait! Nag sink in sakin? Bakit iba ang damit ko? Sinong nagpalit sakin?
"Kian!" sigaw ko.
Nagulat naman ako ng nagmamadali syang pumasok.
"What?! What happened?! May nakapasok na naman bang magnanakaw?" Gusto kong matawa sa reaksyon nya pero masyado akong curious sa kung sino ba ang
nagpalit sakin.