Hindi na ko magsisinungaling at sasabihing panget sya diba? Kasi ang gwapo gwapong nilalang ni kian hindi ba? Hindi pa ito nagpapalit ng damit. Naka shades pa.
Nakita kong papalapit sya sakin. Inangat nya ang shades nya sa ulo nya at alam mo ang ginawa?
Pinipilt lang naman nyang hatakin pababa ang polo ko para matakpan ang tyan ko.
Tinapik ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin.
"Ano ka ba kian? Mamaya makita pa tayo ng mga empleyado ko. Ano pa ang isipin" suway ko sa kanya
"I don't care, think whatever they want, your my wife anyway. And one more thing, naghihirap na ba ang mga fernandez?"
Nalito naman ako sa tanong nya at umiling ako.
"Hindi naman pala pero bakit kulang sa tela tong suot mo, sabihin mo lang ibibili kita ng damit" sabi nya.
Nag roll eyes na lang ako pero ang totoo ay kinikilig na ko.
He sighed.
Hilig naman naming magsibuntong
hininga."Pagbibigyan ko to sofia dahil mas ayos to kesa sa nag swimsuit ka, pero ngayon lang to. Last na ito" seryoso nyang sabi kaya napatango ako ng sunud sunod.
Ngumiti sya at tinap ang ulo ko bago nagpunta sa kumpol ng mga empleyado ko.
Lumapit na din ako dahil mukhang mag i start na ang mga activities.
Ang first activity ay tug of war.
Hindi ako sumali dahil nakakawala ng poise para sakin. Pero sumali si Josh at kian.
Magkalaban sila dahil parehas silang leader ng magkabilang grupo.
Nanalo sa first round sila Josh pero ang second at third ay sila kian na ang nanalo.
Tawa lang kami ng tawa ni althea dahil ang kukulit nila at puro buhangin na ang damit nila.
Marami pang ginawang activity. Sumali lamang kami ni althea sa beach volleyball.
Mga 3pm after namin mag meryenda ay oras na para sa pinaka huling activity.
Nakapagpalit na din pala si kian dahil naka t-shirt at khaki shorts na lang sya.
10 pares ang kailangan sa game na ito. Flag huntint ang game. Paunahan makahanap ng flag na naka assign sa inyo, ang unang tatlong makakabalik dala ang sampung flag ay ang panalo.
9 na pares na at kulang na lang ng isa.
"Ma'am sofia, partner na lang kayo ni Sir kian" sabi ni Danna.
"Ay wag na. Dito na lang ako" sabi ko.
"Sige na ma'am para mag start na tayo. Okay lang naman sa inyo diba Sir kian?" tanong ni Cynthia kay kian.
Nagulat ako ng tumango ito. He even smiled. Pahamak ka talaga!
Wala na kong nagawa kundi ang sumali.