CHAPTER 30

2.2K 37 0
                                    

Chapter 30

"Who changed my clothes?" diretsa kong tanong sa kanya.

"Yan lang pala ang tanong mo, kung
makasigaw ka naman"

"Sino nga?!" sigaw ko sa kanya.
Ngumisi sya sakin, at lumabas ang dimples nya. Naku tigil-tigilan nya yan dahil nadi distract ako sa topic. Masyado na syang gwapo.

"I did" nanlaki ang mata ko. Halos
mapabagsak ako sa upuan ko..

"You what?! Ibig sabihin, ibig sabihin, nakita mo?"

"Ang ano?" nakangisi pa din sya.

"Yung ano! OMG! Bakit ba kasi pinalitan mo pa ko?!" pulang pula na ko sa inis at kahihiyan. At ang walanghiyang Kian, tumalikod na. Pero humarap ulit sya.

"I'm just kidding, it's Yaya Minda who changed your clothes, so please finish your breakfast, may klase ka pa at finals ngayon. You better do good in your exam"

Pagkasabi nya nun ay tuluyan na syang umalis. Bakit parang ang bait-bait ni Kian ngayon sakin? May sakit ba sya? Pero grabe buti na lang hindi sya ang nagpalit ng damit ko kung hindi habang buhay akong mahihiya na sa kanya.

Mabilis kong tinapos ang breakfast ko para makapaligo na agad.

Kakatapos ko lang maligo ng marinig ko ang pag andar ng kotse ni Kian. Umalis na sya, ano ba yan! Susulitin ko na sana ang pagiging
mabait nya at sasabay na sana sa kanya e hahaha.

Finals namin ngayon, after nito is sembreak namin. 2 weeks din yun.
The whole day passed na puro exam lang. Luckily wala naman na kong binagsak. At ito na nga ang paborito ko sa lahat, uwian na!

Since last day na may pasok bago magsimula ang next sem ay napagdesisyunan naming kumain magkakaibigan.

Sa isang restaurant na malapit sa seaside namin naisipang kumain.

"Grabe ka Sofia, akala ko talaga babasagin mo yung eardrums ko kahapon" pang aasar sakin ni Josh.

"Yan kasi yung sinasabi kong wag nyo papainumin yan, nakaka stress ka literal girl. Muntik na kitang kalbuhin e" dagdag ni Althea. Sabay roll eyes sakin.

"Sorry naman, wag ka ng mag inarte, ako naman nagbayad ng lahat kahapon no!" sagot
ko.

"Buti na lang nandyang si Kenz para ihatid ka pauwi" sabi ni Josh.

Nilingon ko si Kenz, nakangiti lang sya.

"Ikaw pala naghatid sakin kahapon, thank you ah" sabi ko.

"Ikaw pa ba, no problem"

"By the way, since hinatid mo si Fia, na meet mo na siguro si Yaya Minda. She's lovely right?" tanong ni Althea kay Cloud.

For sure, kay Yaya Minda ako binigay ni Kenz dahil malamang hindi lumabas ng bahay si Kian and by the way totoo pala yung sinabi ni Kian, may cake nga para sakin sa ref. Gusto ko ngang ipa laminate e haha.

"Apparently not, but I've met Kian, sya ang kumuha kay Sofia" sagot ni Kenz, kaya nanlaki ang mata ko si Althea nga nasamid, tinapik tapik pa ni Josh ang likod nito.

"Si Kian? Does that mean, hinintay ka nyang umuwi kagabi? Kakaiba yun ah. Baka napalitan ng alien yung asawa mo" sabi ni Althea ng makabawi mula sa pagkakasamid.

"Che, manahimik ka nga dyan" yun na lang ang sinabi ko dahil ayoko ng pag usapan ang about kay Kian while Kenz is here.

Oo aaminin ko, kinikilig ako sa tuwa ng malamang hinintay ako ni Kian pero syempre, Kenz is an important person for me, hindi naman lingid sa kaaalaman ko na gusto nya ko at alam kong nasasaktan sya kapag bini bring up ang marriage ko. I just
hope na sana mabaling sa iba ang
nararamdaman nya sakin. I don't want him to get hurt anymore because of me.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon