CHAPTER 58

1.9K 27 5
                                    

"Pero okay na ko. Promise. Gusto ko ng umuwi" sabi ko.

"Okay sige. Ipagpapaalam ka muna namin sa doktor ha?" sabi ni kenz.

Kaya ngumiti na ko. Hindi nya talaga ako matiis.

"Hay naku! Pag ikaw napano sofia.
Napakatigas ng ulo mo" sabi sakin ni althea na mukhang konsimidong konsimido.

Luckily pinayagan naman ako ng doktor kaya umuwi na ko. Si kenz na ang naghatid sakin sa bahay.
Bumaba na ko ng sasakyan nya.

"Bye kenz. Thank you ha?" sabi ko.
Binigyan nya lang ako ng ngiti.

"Basta pag may problema or your feeling unwell just call me. Kahit anong oras pupuntahan kita" sabi nito.

"Yep. Ingat ka ha" sagot ko.

Tumango sya at sumakay na ng sasakyan at pinaandar na yun.

Pumasok na ko ng mawala na sa paningin ko ang sinasakyan nya.
Mukhang wala pa si kia.. Wala pa kasi ang sasakyan nya. Tsk. Mag se 7pm na kasi.Pumasok ako sa loob.

"Ma'am fia! Hala bat umuwi na po kayo agad. Ang sabi sakin ni Sir kian e sa ospital po kayo?" bungad sakin ni Yaya Minda.

"Ayoko dun yaya. Mas makakapagpahinga ako dito"

"Pero okay na po ba kayo ma'am?" worried nyang tanong.

"Yes yaya. Pahanda na lang po ng hapunan.Nagugutom kasi ako" sabi ko.

"O sige ma'am. Maghintay na lang kayo sa kwarto nyo o dito sa sala" sabi nito sakin at umalis na.

Naupo na lang ako sa sala at nanood ng tv. Pinapanood ko si Chowder. Tuwang tuwa ako
sa cartoons na to. Kaso biglang pakiramdam ko ay nahilo ako sa mabahong amoy. Tumayo ako at pumunta ng kusina.

"Yaya, ano ba yang niluluto nyo? Ang baho naman" sabi ko habang tinatakpan ang ilong ko.

"Ma'am fia, naggigisa pa lang po ako ng bawang" sagot nito. Kaya lumapit ako sa niluluto nya at

"Manang bawang yan? Ang baho. Nakakahilo yung amoy" sabi ko.

Pakiramdam ko ay masusuka na talaga ako pero wala akong maisuka dahil hindi pa ko kumakain.

"Ayoko ng magluluto na may bawang please. Yuck" sabi ko.

Bumalik ako sa sala at nagtakip ng ilong. Bawang ba talaga yun? Ang baho naman. Buti na lang maya maya lang ay nawala na ang
amoy. Nagbukas na siguro ng exhaust pan si yaya sa kusina.

Nagising ako ng makaramdam ako ng tapik sa balikat ko.

"Yes yaya"

"Nakatulog ka na ng nakaupo, luto na ang pagkain. Kumain ka na" sabi sakin ni Yaya Minda.

"Ayy pasensya na po. Sige sunod na lang ako sa dining yaya. Salamat po"
Nakaidlip pala ako. Hala. Napa antukin at tulugin ko naman.

Tumayo na ko dahil nagugutom pa din ako.

"Yaya. Patimpla naman po ng kape" sabi ko kay yaya.

"Sige magpapainit lang ako ng tubig, kumain ka na dyan at dadalhin ko na lang dyan" sabi nito.

"Sige po salamat" sabi ko.
Nagsimula na kong kumain. Gutom na gutom ata ako at ang dami kong nakain.

"Ma'am fia, ito na yung kape nyo" sabi ni yaya tas naglapag ng mug sa tabi ko.

Kaso pagka amoy ko nun ay hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napahawak ako sa bibig ko at tumakbo sa cr at sumuka ng sumuka.Bakit ang baho ng kape?
Pinagtitripan ba ko ni yaya minda?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon