"Helen. Meet Sofia, she's my wife" sabi ni kian.
Nakita ko namang na shocked si Helen.
Tiningnan ko si kian at binigyan sya ng go-on-look.
"And you are fired" dagdag ni kian.
Lumapit ako kay Helen. Nilahad ko ang palad ko. Nung di nya inabot ay hinawakan ko ang kamay nya. Nanginginig pa nga iyon.
"Hi Helen, I am Sofia Nicole Reyes,
WIFE of your boss" pinagdiinan ko pa talaga ang wife para sumaksak sa kokote nya.Tinalikuran ko sya."Feel free to go. You're fired anyway" dagdag ko.Narinig kong padabog itong lumabas.
"Okay, what was that?" tanong ni kian.Umupo ito sa swivel chair nya. Ewan ko parang may iba sa kanya parang ang putla nya na ewan.
"Binuwisit ako nyan, hindi ba halata" sabi ko.
"I see" ngumiti sya ng nakakaloko sakin.
"What?!" angil ko sa kanya.
"I like how you said it"
"What?" pagma maang-maangan ko.
"You said your my wife, well it's true, you really are Mrs. Reyes, so bakit hindi mo pa pangatawanan and just come back to me"
"Shut it kian" sabi ko na binigyan sya ng masamang tingin.
"E di kung ayaw mo, ikaw na lang dapat ang pumalit sa secretary ko, you fired her" he smiled playfully.
"Tama, mas ok yun pag secretary kita e di araw araw kitang makikita"
"Tse! Bukas na bukas magpapadala ako sayo ng 40 years old na secretary!" sabi ko.
"Why 40? Nagseselos ka no? Don't worry, I told you already. Ikaw lang ang mahal ko" sabi nya.
At pakiramdam ko nag akyatan ang dugo sa mukha ko. Damn! Magtu 25 na ko don't tell me kinikilig pa din ako. At bat naman ako kikiligin?!
"You're blushing" puna nya sakin.
"I'm not! Mainit dito sa opisina mo. Bukas ba ang aircon?" pagsisinungaling ko.
This guy is driving me crazy.
"Excuses"
"Shut up. Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?" pag iiba ko ng topic.
"Let's have lunch together" sabi nya.
"Lunch?! Nagbibiro ka ba? Alas tres ng hapon,Lunch?" I sarcastically asked him.
"E sa hindi pa ko nagtatanghalian e. Kakatapos lang ng business meeting ko and I am not feeling well" sabi nya
"So, pinapunta mo ko dito para lang mag lunch? Panong importante to at na involve pa ang company?"
Naka crossed arms ako habang nasa harapan nya.
"Syempre, if the president and the vice president of the company have a good working relationship it will benefit the company" nakangiti nyang sagot.
Napahawak ako sa sentido ko.
Matalino, masyadong matalino ang mokong na to. He's using his position."So what you say? Tara na?" sabi nya.
"Whatever! Bilisan na natin" sabi ko.
Nakita kong ngiting ngiti naman sya habang inaayos ang gamit nya.Pumayag na ko sa dahil balak ko dun na sya kausapin about dun kila Gail.Lumabas kami ng opisina nya at nakita kong nag aayos na ng gamit yung malandi nyang sekretarya habang umiiyak. She deserves it
anyway. Sumakay na kami ng elevator para bumaba.