120

1.6K 23 1
                                    


Ngumiti pa silang dalawa ng sabay.

"Get the hell out of my office! Kung gusto nyong magsapakan o magpatayan wag dito sa opisina ko o sa makikita ng empleyado ko.
Lumayas kayong dalawa! Nakakainis ang mga pagmumukha nyo" sigaw ko sa kanila.

"sofia" sabay pa nilang sabi at nagkatinginan pa sila.

"Kambal ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Out! Now!" sigaw ko kaya dali dali silang lumabas dalawa.

Nakaka stress. Sa totoo lang mas napapagod pa ko sa kanilang dalawa kesa sa trabaho ko sa kompanya.

kenz's POV.
Bwisit na lalaki to! Kung hindi sya umepal malamang nakausap ko ng maayos si sofia at baka nagka ayos na kami ngayon pero dahil dumating sya, napalabas tuloy kami.
Actually kung hindi sya bumalik, magiging smooth ang relationship namin ni sofia.

Asar na asar ako dahil doon sa picture na yun.

How dare he kiss my sofia?
Those lips are mine ever since he left her.

At sobrang laking kagaguhan ko yung pagpunta ko sa bar na yun. I even kissed a cheap girl.

Hanggang ngayon naaasar pa din ako sa thought na ginawa ko yun kay sofia.

Pumasok ako ng elevator at nagulat ako ng sumakay din tong si kian.

Hindi ako nagsasalita at ganun din sya hanggang makarating kaming parking lot.Lumabas na ko at ganun din sya.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ko ng hilahin nya ko sa braso at sapakin.

"That's for that douche bag who touched sofia! Kung hindi dahil sayo ay hindi sya pupunta sa ganoong lugar!" galit na galit nyang sabi.

Nang makabawi ako ay sinugod ko din sya at sinapak. Kung galit sya, galit din ako.

"Hindi ko yun gagawin kung hindi mo sya hinalikan! Mapagsamantala ka kasi! Alam mong sa akin na, kinukuha mo pa din!"

"Who told you, you owned her? May I remind you that she's still married to me!" sabi nya at sinapak ulit ako.

"Gusto nya ng maghiwalay kayo diba? Why don't you respect that!" sabi ko sabay sapak sa kanya.

"Sorry I can't do that because iba ang kinikilos ni sofia sa sinasabi mo. You know how badly she wants to go back to me right? Ikaw lang ang humahadlang!" sinapak na naman nya ko.

"Eh gago ka pala e!" sinapak ko sya.
Nagsapakan lang kami ng nagsapakan hanggang sa mapagod kaming dalawa.

Sobrang dumi ng mga suit namin dahil sa ginawa namin.Nakaupo kami pero malayo sa isa't isa.

Tumayo na ko at ganun din sya. Pinagpag nya ang suit nya at sasakay na sa kotse nya.

"Where are you going?" tanong ko dito dahil diba nga dito na nag o opisina ang gagong to.

"Uuwi muna ako, magpapalit ako dahil may gagong nagdumi ng suit ko, I'm sill a business man. I always need to be presentable" sabi nya
sabay ngisi sakin.

"Makinig ka kian, hindi mo basta basta makukuha sakin si sofia"

"Dream on cause I am not born to lose to you" sabi nito bago sumakay sa sasakyan nya at pinaharurot yun.

Napakayabang ng gago.

Sorry sofia, the battle begins.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon