Nung nag start na ang timer ay naglakad na kami ni kian papasok sa gubat na ito.
Red flag ang na assign samin.
"Isip bata ka ba? Bakit ba pumayag ka pang sumali dito?" sabi ko kay kian.
He just chuckled.
"Wag ka ng magalit sofia, just enjoy the game. Ayaw mo bang nakaka bond ang mga empleyado mo?""Sila gusto kong maka bond, ikaw hindi" sabi ko sa kanya.
"Ayun!" sigaw ko ng makita ko ang pang 5 flag namin. Pinipilit kong inaabot ang flag pero masyado akong maliit. Nagulat ako ng hawakan ni kian ang kamay ko at kuhanin nya ang flag na nasa taas ko.
Dumampi naman ang ilong ko sa damit nya. Grabe, halos isang oras na kami dito pero bakit ang bango bango pa din nya?
"5 flags" nakangiti nyang sabi sakin.
Ngumiti din ako. Binabawi ko na ang pag ayaw ko sa game na ito dahil sobrang nakaka enjoy.Hindi ko namalayan na magka holding hands na pala kaming naglalakad ni kian.
Hinihigit ko ang kamay nya pero mahigpit lang ang hawak nya dito.
8 flags na ang nahahanap namin pero parang mas nag e enjoy pa ko sa holding hands namin kesa sa dami ng nahanap namin na red flag.
Dahil sa sobrang enjoy ko ay natapilok ako sa isang bato na di ko nakita.
"Ouch" sigaw ko at napaupo ako.
Agad agad namang lumapit sakin si kian at chineck ang paa ko. Nakita kong natataranta nyang kinuha yung
isang red flag at tinali nya sa paa ko.Habang inaayos nya ang sprain ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan maigi ang mukha nya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ako nabaliw sa kanya noon, as I said he's
close to being a god because of his looks."Pano mo natutunan yan?" tanong ko sa kanya ng matapos nya ang pagtatali doon.
"Pinag aralan. Diba bata pa lang tayo, lagi ka ng nadadapa at natatapilok kaya naisip ko na dapat alam ko to dahil may pagka tanga ka" sabi nya at ngumiti e.
Nasa level 99 na yung kilig ko kaso lang sinabihan ako ng tanga e. Bwisit to!
Nagulat ako ng kargahin nya ko ng pang brildal style.
"Ano ba kian, ibaba mo kaya ako?" sabi ko sa kanya habang hinahampas sya pero parang
wala lang sa kanya yun."Tsk. You're injured. Ibabalik na kita sa hotel" sabi nya.
"How about the game. 8 flags pa lang ang nahahanap natin" sabi ko sa kanya.
"I don't care about the game, you're more important to me" sabi nya.
And my heart melted.
Ano ba tong nangyayari sakin?
Kahit anong pigil ko, nararamdaman kong nahuhulog pa din ako kay kian for the 2nd time around or maybe mahal ko pa talaga sya pero tinatanggi ko lang sya all these years.Pano kung masaktan na naman ako? Pano kung paggising ko na naman isang umaga na wala na naman sya sa tabi ko?
Ayoko na. Ayoko ng masaktan pa muli nya. Natatakot ako.
Nagulat sila thea na bumalik kami agad pero sinabi ni kian na may injury ako kaya pumayag sila na magpahinga na muna ako.Hinatid ako ni kian sa room namin ni thea.
Nagpa akyat pa sya ng doktor para lang ma sure na okay ako. Hindi muna ako lumabas ng suite namin ni thea dahil gusto kong makapag isip muna.
Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Hindi ko ini expect na sa muli naming pagtatagpo ni kian ay magiging ganito kagulo.