CHAPTER 56

2K 31 0
                                    

Kenz pov.
Sobrang kinakabahan ako hanggang makarating kami sa ospital. May tumawag kasi sakin using sofia's phone saying na naaksidente ito.

Pagka park na pagka park ko ng kotse ay nakita ko ang hayop na kian na iyon na papasok ng ospital.Kung sana naging mabuti lamang syang asawa kay sofia e di sana hindi mangyayari ito.

Pagkababang pagkababa ko ay mabilis ko syang sinugod at kinuwelyuhan.

"You!" sigaw ko.

"Ano ba kenz! Tumigil ka nga dyan!" sigaw sakin ni althea pero wala na kong pakielam.

Tumitig lang sakin si kian at inalis ang pagkaka kuwelyo ko sa kanya.

"What's your problem Mr. Hermoza?" pormal na tanong sakin nito kaya mas nainis ako.

"You are the problem! Kasalanan mo to! Kung hindi dahil sayo walang mangyayaring masama kay sofia!"

"Wala akong panahon para pakinggan ka" sabi nito kaya mas lalo lamang akong nagalit.

"Ikaw, hiwalayan mo na si sofia. Tama na ang panloloko at pananakit na ginawa mo sa kanya. Hindi ka nya kailangan sa buhay nya!" sigaw
ko.

Nakita kong kumunot ang noo nya pero agad agad yung nagbago ay nag smirk na lamang sya.

"Sorry, pero kami lang ni sofia ang pwedeng magdesisyon dyan. Kaya wag kang mangielam dahil bali baliktarin mo man ang mundo. Ako
pa rin ang legal na asawa" he chuckled.

"Don't you think na alam ko kung gano mo kagusto si sofia? So stop fooling around dahil mahirap
akong kalaban"

I was speechless. Damn this guy.

"Here althea, take this" inabot ni kian yung gamit ni sofia kay althea.

"Uuwi na lang muna ako, kayo na muna ang bahala kay sofia" sabi
nito at umalis na.

I hate him not just because of his guts and not because she is the one that sofia loves.

I hate him because he constantly hurt her, he kept torring sofia apart. And it hurts me to see sofia in that situation because she is my everything.

Sofia pov.
Nagising ako na nasa hospital room ako. Alam kong ospital to dahil amoy at kulay pa lang.

"Thank god you're awake" nagulat ako ng biglang magsalita si althea na nasa tabi ko pala.

"Are you okay now? Naalala mo ba yung nangyari kagabi?"

Tumango ako. At nakaramdam na naman ng kaba. Buti nakatakas ako.

Lumilinga linga ako sa paligid. Wala sya? Bakit wala si kian sya ang nasa speed dial ko kaya malamang sya ang unang tatawagan pero bakit wala sya? Wala ba talaga syang pake
sakin?

"Sinong hinahanap mo?" tanong sakin ni thea.

"Wala"

"Weh? If you're looking for Josh and kenz, umuwi lang sila saglit para magpalit. Nagbantay din sila kasi sayo kagabi.

But kung si kian ang hinahanap mo. Nandito sya kagabi, nauna pa ata samin pero pagdating namin. Umalis din sya agad"

Pinuntahan ako ni kian? Pero bakit sya biglang umalis. Pinuntahan nya ba si Ella. Nanakit ang ulo ko sa iniisip ko.

"thea, pakuha naman ng pagkain" sabi ko kay thea dahil nakaramdam din ako ng gutom.

"Okay ka lang ba dito mag isa?" worried nyang tanong. I smiled on her at tumango.

"Okay. Saglit lang ako ah. Atsaka baka dumaan na yung doktor mo, sabihin mo ko ano resulta ng
mga test mo if may fracture or broken bone ka ah" sabi nito.

"Sira. Okay lang ako" sabi ko. She smiled at  lumabas na.

Gusto ko muna sanang mapag isa. Nalulungkot ako dahil ini expect ko na nandito si kian at sya ang mag aalaga sakin like before.

Nagmumuni-muni ako ng makarinig ako ng katok. Hayys sabing gusto kong mapag isa e. Bumukas ang pinto at may pumasok ditong
babaeng naka lab coat.

"Hi sofia, good that you're awake" luminga linga sya sa paligid.

"Wala kang kasama?"

tumango ako.

"Kumuha po kasi ng pagkain if may ibibilin kayo sa gamot ako na pong bahala" sabi ko.

"Buti na lang hindi ka pala na x-ray kahapon, atsaka itong mga ire recommend kong gamot is safe naman. Pero mag iingat ka palagi.
Doble ingat at iwasan mo ang stress"

Hindi ma absorb ng utak ko kung anong sinasabi nya.

"Wait doc, di ko kayo magets. Malala ba yung effect sakin nung aksidente?" tanong ko.

"Ha? Didn't you know?"

"Didn't I know what?"

"Mrs. Reyes, you're 6 weeks pregnant" At para yung bombang sumabog at wala na kong masyadong narinig pa.

I am what?

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon