I heard the main door opened. Kaya lumingon na ko at nakita ko na ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko. Naka black suit sya ngayon. Napaka formal. I heard, speaker sya dun sa conference na
dinaluhan nya. Nangangamoy ang pabango nya.Napaka manly at ang lakas maka gwapo. Nasabi ko na bang gwapo ang asawa ko sa kahit na anong suotin nya? At much more gwapo sya pag naka formal.
"Quit staring, it's rude" napapitlag ako ng magsalita sya, grabe ganun ba ko katagal akong nakatitig sa kanya?
"Sorry, I mean, good evening" sabi ko sa kanya. Sabay ngiti.
"I didn't know you like watching series?" sabi nya kaya awtomatiko akong napalingon sa tv. At yun nga, nasa isang channel sya na di ko
alam na ang pinapalabas ay yung series na hindi ko rin alam. Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot si yaya minda."Ma'am Fia, ay nandyan na pala kayo Si kian, tamang-tama luto na ang hapunan. Halina't kumain na kayo" yaya samin ni yaya minda.
Tumayo agad ako, dahil nagugutom na ko. Nakita ko namang nilapag ni kian ang mga gamit nya sa couch at mukhang susunod na din samin.
Umupo na kaming dalawa ni kian at
nagsimula ng kumain. Napaka tahimik kaya nakaramdam na naman ako ng matinding boredome."kian?" tawag ko sa kanya.
Huminto naman sya sa pagkain at tumingin sakin."What is it?" tanong nya.
"Sobrang boring kasi dito sa bahay, pwede bang, pwede ba tayong lumabas, or mas better mag outing?" tanong ko sa kanya. Nag puffy eyes pa ko. I hope it will work.
Kinakapalan ko na talaga ang mukha ko, aba malay mo pagbigyan. Hindi pa sumasagot si kian ng pumasok si
Yaya Minda."Sir kian, may dumating nga palang mail para sa inyo" sabi nito kay kian, sabay abot ng mail dito. Umalis din naman agad si yaya minda.
Napatigil ako sa pagkain dahil na curious ako kung ano bang laman nung mail.
Binuksan ni Kain. yun. Ilang minuto pa magkatapos nya basahin at tingnan ang mail ay tumingin sya
sakin."sofia, it looks like your wish has beeen granted" sabi sakin ni kian.
Naguluhan ako, anong wish? Yun bang aalis kami? Before pa ko magtanong ay inabot nya sakin ang mail. Kaya dali dali ko itong tiningnan.