CHAPTER 99

1.7K 21 1
                                    

Sinilip ko naman si kenz na karga si klea,kamukha daw?

"Gwapo ko no?" mapang asar na sabi sakin ni kenz.

"Asa!" sabi ko. Naglakad na kami papunta dun sa bilihan ng ticket.

Tuwang tuwa si klea ng makita nya na ang iba't ibang rides.Medyo nalulungkot lang sya dahil may mga
rides na hindi sya pwede dahil sa edad at height nya.Hanggang magdilim ay sakay lang kami ng
sakay ng rides.

Hindi naman ako bininitawan ni
kenz na animo'y bata rin akong mawawala.

"Hindi kaya ako bata" sabi ko kay kenz.

"Baka kasi mawala ka, ayokong may
makakaagaw sayo sakin" sabi nya at tinitigan ako sa mata.

Nakasakay kasi si klea ngayon sa kiddie train kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon ni kenz habang nakatingin sa anak
kong enjoy na enjoy.

"Malaki na ko, di na ko mawawala" sabi ko. I tried to laugh para mawala ang pagka seryoso nya.

"You know what I mean sofia, I won't easily give you up to kian, unless ikaw mismo ang magsabi saking sumuko na" nabakas ko
ang lungkot sa boses nya.How can I hurt this man?

"A-ano ka ba kenz? Hindi mangyayari yun. Tapos na kami ni kian, boyfriend na kita diba?" I said.

"Then, kaya mo bang pilitin si kian na ipa annul na ng tuluyan ang kasal nyo at pakasalan mo ko?"

Parang na estatwa ako sa sinabi nya. Ano? Mapipilit ko ba si kian?Pero hindi yun ang tanong talaga dito. Ang tanong is Gusto ko pa rin ba talagang ma annul kay kian?

Fvck! What am I saying. Dapat lang na ma annul na kami dahil nandito na si kenz sa buhay ko. Hindi agad ako nakasagot.

"No need to answer now, think about it.Hinintay nga kita ng 5 taon e. Basta anytime na um-oo ka. Ready na ko mag propose" sabi nya.

Niyakap ko si kenz.
Hinalikan nya naman ang ulo ko.

"Thank you for always understanding me kenz" sabi ko.

"Ikaw pa ba? You know I love you" sabi nya.

Natigilan ako ng ilang segundo. Dati naman,nasasabi ko agad ang I love you too pero parang ngayon naipit ang dila ko.

"I-I love you too" I finally said.

But when I said that a picture of kian
flashed into my mind.Sigurado ka bang yang I love you na yan ay
para kay kenz o dun sa isa.Yan lang naman ang sinisigaw ng taksil kong
puso.

Maya maya lang ay natapos na ang ride ni klea at lumapit sya samin.

"Mommy I'm so tired. I want to eat" sabi nya kaya kinarga na agad sya ni kenz.

"Okay, daan na lang tayo sa restaurant tas take out na lang then uwi na. Pagod na ang princess natin e" sabi ni kenz.

Hinalikan naman sya sa pisngi ni klea.

"Thank you papa" sabi ng anak ko bago humilig sa balikat ni kenz. Pagod na nga ito.

Nung nasa sasakyan na kami ay nagsabi si klea na ang gusto nyang dinner is yung chicken and spaghetti sa favorite nyang italian restaurant.

Papunta doon ay nanonood lang si klea ng offline videos nya sa youtube na cartoons habang naka headset.

Bumaba ako ng sasakyan pagkarating namin sa tapat ng restaurant. Nagulat ako ng bumaba
din si kenz. Ako na kasi ang dapat oorder.

"Ako na lang ang bibili, ikaw na lang ang maghintay dito kasama si klea" nakangiti nyang sabi.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon