CHAPTER 41

2K 33 0
                                    


Sofia POV.
"Fia, I will just answer this call, don't go anywhere and stay here, I'll be back" sabi sakin ni kian kaya tumango ako at nginitian sya.

Tumalikod na sya at sinagot ang kanina pang ring ng ring nyang cellphone. Even in our vacation, umeepal pa din talaga yang trabaho
nya.

Almost half an hour na kong naghihintay kay  kian pero hindi pa din sya bumabalik.

Don't tell me, nag meeting sya while on the phone. Sa sobrang bored ko ay napagdesisyunan ko ng mag swimming.

Langoy lang ako ng langoy pero nagulat ako ng maramdaman kong palakas ng palakas ang alon, hanggang sa hindi ko na kinakaya ang hampas nun. Nagulat ako ng hampasin ako ng malakas na alon kaya napadpad ako sa shore .

"Ouch!" napasigaw ako sa sakit dahil nakita ko ang sugat sa hita ko, tumama ako sa coral reefs. May mga ilang bakasyonista na din ang
lumapit to see me dahil puro dugo na ang legs ko. Naiiyak na ko dahil ang hapdi sobra.

"Miss are you okay?"

"Do you want us to accompany you to a nearby clinic?"

Ang daming nagbo volunteer na tulungan ako pero ang nasa isip ko lang ay si kian.

Naiiyak na talaga ako. Nasan na ba sya? Yumuko na lang ako sa tuhod ko dahil sobrang makirot na yung sugat. Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sakin. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Kian" sabi ko.

Habang buhat buhat nya ko ay lumapit sya sa front desk.

"I need a first aid kit, send it to our room" sabi ni kian. Nakita ko naman yung sunud sunod na pagtango nung staff.

Pagkapasok namin ni kian sa kwarto ay nilapag nya ko ng dahan-dahan.

Nakita kong ring ng ring ang cellphone nya at nag a appear ang pangalan ng secretary nya dun.
Dahil ayaw tumigil kakaring nun ay kinuha ni kian yun at sinagot.

"What the hell Seinna! Stop calling me right now, I already said I'm on a vacation! So tell all of them to wait!" sigaw ni kian bago hinagis yung cellphone sa kama.

Biglang tumunog yung doorbell ng unit na to kaya dali dali nya iyong pinuntahan. Pagkabalik nya ay bitbit nya na ang box. Marahil ito yung hiningi nyang first aid kit.

Hinarap nya binti ko. At nagsimula ng gamutin iyon. Napapa aray ako dahil mahapdi talaga.

"Is it hard to follow my instruction?" sabi ni kian sakin habang patuloy na ginagamot ang sugat ko.

"Sorry" yun lang ang nasabi ko.

"Sorry? Puro na lang ba sorry? Alam mo bang sobrang nag alala ako nung di kita makita sa pinag iwanan ko sayo, tas makikita kitang ganito?" I am looking intently on him. Pokus
na pokus sya sa paglilinis ng sugat ko.

Gwapo talaga ang asawa ko, kahit saan atang anggulo ko tingnan pero bumilis ang puso ko ng ma realize ko ang sinabi nya. Nag alala sya
sakin? Ang isang Mark kian Reyes ay
nagsisimula ng mag alala para sakin? At trumiple ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang mata namin.

"Why aren't you answering?" tanong nya sakin.

"Ang gwapo mo"
Wait?! What?! Nasabi ko ba talaga yun. Gusto kong tapikin ang ulo ko dahil na blurt out ko ang iniisip ko. Nakakahiya nakakahiya. Pakiramdam ko. Nag akyatan lahat ng dugo sa
mukha ko. Pero mukhang hindi lang ata ako ang naapektuhan dahil nakita ko ang pamumula ng tenga nya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon