171

1.3K 14 0
                                    

"Tara na, puntahan na natin sya please" sabi ko.

Tumango naman sila at maya maya lang ay sumakay na kami ng sasakyan ni kenz.

Panay ang pagdarasal ko na sana okay si kian, na sana tamang tao talaga ang nakuha nila at pupuntahan namin.

Nung makarating kami sa ospital ay
ipinagtanong agad namin sa nurse station kung nasaan si kian.

He is in the private room.

Pagpasok namin ay nagsimula ng mamuo ang luha ko.

kian is seating there.

Gising sya ngunit may benda ang ulo,kasalukuyan syang chini check up ng doktor.

Nung lumabas ang doktor at mga nurse ay lumapit na kami sa kanya.

He gave as a weird look.

"Sino kayo?" naguguluhang tanong nya.

Pakiramdam ko ay na froze ako sa
kinatatayuan ko dahil sa tanong nya.

"Seriously kuya, hindi mo kami kilala?"tanong ni kenz.

Umiling si kian.

"Sino ba kayo?" tanong nito ulit.

"Hijo, kami to. Magulang mo kami" sabi ni tita at sabay turo kay Tito Saros at sarili nya.

"Sya naman ang nakababata mong
kapatid" turo nya kay kenz.

"At sya naman ang asawa mo, si sofia" tinuro ako ni Tita Sunshine.

"Sorry, hindi ko kayo kilala at imposibleng magka asawa ako" sabi ni kian in a cold tone.

"Wait lang, pupuntahan ko lang ang
doktor ni Kuya baka mamaya nagka
amnesia sya dahil sa aksidente" sabi ni kenz at lumabas ng hospital room.

I remained standing there, nanginginig na ko at nanlalabo na ang paningin ko dahil maiiyak na ko.

"Don't you remember anything son?"tanong ni Tito Saros.

"I don't know you all" sabi nito kaya hindi na ko na nakapagpigil at lumapit na ko sa kanya.

Halatang nagulat sya dahil umupo ako sa kama nya, sa tapat nya.
Tumulo na ang luha ko.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala? Ako to si sofia, we're married for 8 years now,may anak tayo. Ano ba kian?Kakalimutan mo lang ba yun?" umiiyak kong sabi.

Blangko lang syang nakatitig sakin.

"Kung alam ko lang na magka crash ang eroplano na sasakyan mo e di sana pinilit na lang kitang hintayin yung piloto ng private jet mo, e di sana hindi mo ko nakalimutan.
We're supposed to have dinner last night. I was supposed to tell you, that I am giving us the chance to
start again" iyak lang ako ng iyak.

"I was not able to tell you how much I still love you, hindi nagbago yun, hindi nabawasan. I even loved you more but how come you forgot about me, about us"Hinampas hampas ko ang chest nya.

"Why?! Why did you forget about me?!"umiiyak ko pa ding sabi.

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang dalawang kamay ko na humahampas sa dibdib nya.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon