Sofia POV
Nagising ako sa tunog ng makina na patuloy ang pag beep.Dinilat ko ang mata ko. Puting paligid. Ospital na naman.Unti-unting nag sink in sakin ang lahat.
Pinilit kong ibangon ang sarili ko sa kama.Nakita kong agad naglapitan sakin ang mga kaibigan ko."Fia, mabuti naman at gising ka na" bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni althea.
"althea, sanya yung baby ko? Okay lang ba sya?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinapa ko ang tyan ko. Okay lang naman ang baby ko diba.
Hindi agad sumagot si Althea kaya tumingin ako kay Josh at kenz.
"Fia, hindi pa dumadating ang doktor mo.Baka parating na din yun. Relax" nakita kong sabi ni Josh.
Gusto ko sanang hanapin si kian dahil kailangan ko sya dito ngayon pero naalala ko ang nakita ko na naging sanhi ng lahat ng to.Wala sanang mangyari sa baby ko, kung hindi. Parehas ko silang hindi mapapatawad.
"kenz, I'm nervous" sabi ko.
Lumapit sakin si kenz. Umupo sya sa tabi ko at hinila nya ko payakap at hinalikan sa ulo.
Bumukas ang pinto at pumasok dito ang sa tantya kong nasa mid 40's ng doktor. Nanatili pa rin syang maganda sa kabila ng edad nya.
Lumapit sya sakin at chineck ang mga vitals ko."Dok, kamusta ang baby ko? Okay naman po sya diba?" pinilit kong ngumiti kahit pa tinatambol na ang puso ko. Kabang-kaba ako pero kailangan kong maging positive.
Alam kong okay ang baby ko."I'm so sorry Sofia. We tried our best but your baby is still weak. I'm sorry but your baby didn't survive. I'm so sorry for your lost" walang emosyon nyang sabi.Ganito na ba ang mga doktor ngayon?
"S-stop joking around dok, a-alam kong o-okay ang b-baby ko. Ramdam ko" nanginginig na ang boses ko at pakiramdam ko ay may
nakabara na sa lalamunan ko."Sorry sofua, wala na talaga sya"
Tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko."Hindi-hindi! Nagsisinungaling ka diba?! Hindi pa patay ang anak ko!" nagwawala na ko doon pero pinipigilan ako ni kenz dahil yakap
yakap nya ko."Lalabas na muna ako, kayo muna ang bahala sa kaibigan nyo" sabi nung doktora at tuluyan na itong lumabas kahit pa tinatawag ko sya.
"sofia, wala na ang bata. Umayos ka!" sigaw sakin ni althea.
"Hindi totoo yan!" sigaw ko pabalik.
"Kailangan tanggapin mo dahil makakasama sa lagay mo kung ipagpapatuloy mo yan" althea.
"Wala akong pakielam. Gugustuhin ko na ding mamatay tutal wala naman na ang anak ko!"
"sofua, wag kang magsalita ng ganyan" Josh.
Hindi nila alam kung gano ako dinudurog ngayon. Iyak lang ako ng iyak habang yakap ako ni kenz.
Tumingin ako kay kenz.
"kenz, di ko na kaya" sabi ko sa kanya. Umiling sya.
"Kailangan mong kayanin to Fia" sunud sunod ang ginawa kong iling.